53

198 14 5
                                    

joyce's

5PM na. Alam kong nagkita na sila. Pinuntahan ko agad si Dana. Alam kong matutulungan niya ako sa ganito.

Pumunta din kaya akong Japan tulad ni Patsi? Tumakbo papunta sa airport tulad ni Faye? Bumili ng ice cream tulad ni Sahara? Pumunta ng Australia tulad ni Canice? Sumunod nalang kaya ako kay Lyka?

Edi walang originality kwento ko. Ayoko naman matapos 'to nang hindi unique. Sige pupunta nalang ako sa bahay ni Dana.

Sa tapat ng bahay nila, natanaw ko na agad siya sa may pinto, nakapamewang at nakataas kilay.

"Bakit ka nandito?" Nagkibit balikat ako.

"Bakit ka nasa labas?" Nagkibit balikat lang din siya.

"Wala lang, tanod lang peg ko ganon. Pasok ka." Ang linis talaga netong apartment ni Dana. Tsaka balita ko, gwapo kuya nito eh.

Ay joke. May Woojin na ko.

May Woojin pa ba ako? Bigla akong nalungkot.

"Oh? Bakit nalukot mukha mo?" Napailing ako.

"Wala na kami ni Woojin. Pinalaya ko na siya. Kasi mas mahal niya si Chaeyeon." Nagulat si Dana sa sinabi ko. Sinenyasan niya ako na ituloy lang yung kwento.

"Na drunk call siya saakin bago ako mag birthday, nagkkwento sya tungkol kay Chaeyeon. Hindi ko na nakayanan kaya binaba ko na. Doon, napagdesisyunan ko na na papalayain ko siya." Napaluha ako ng konti tapos lumingon kay Dana.

"I think this is all a misunderstanding. Tinawagan ko na first ladies. Malapit na sila."

**

"TAENA MO BA?!" Pagkabukas palang ni Sahara, ayan agad yung bungad niya saakin.

"Oh nagkatotoo hula ko! Ano iyak ka ngayon?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang si Ariane. Siya lang natawa actually.

"Tangang 'to. Hindi man lang pinatapos si Woojin. Tanga. Tanga. Tanga." Inis na sabi ni Patsi. Ano ba meron?

"Wala na. Pinalaya ko na siya. Sasabihan niyo pa akong tanga?" Um-oo silang lahat.

"Bakit?!" Binato ni Faye 'yung cellphone niya. Buti nasalo ko agad.

"Pasalamat ka, hindi lang ako observant, scene stealer din ako. Ayan record. Naka conference call si Woojin saatin nung madaling araw na 'yon. Ikaw, ako, si Canice, Ariane, at Rina nalang nakarinig kasi tulog na 'yung iba." Pinlay ko yung record.

"Si Chaeyeon?! Lee Chaeyeon!!!! Sobrang galing niya sumayaw, naging ka-mu ko 'yon for...three months???? Tapos, sobrang saya niya kausap!! Dream girl yon, eh! Sabi ko pa noon, wala nang makakahigit pa sa babaeng 'to. Hindi ko na papakawalan 'to. Kaso..."

"Kaso nakilala ko si Joyce. Kilala niyo ba 'yon? Si Joyce Lee! Girlfriend ko 'yon! Akala ko nung una puro lalaki lang inaatupag no'n, kaya nung nagustuhan ko siya akala ko papatulan niya agad ako katulad ng kwento saakin ng mga kaklase ko. Pero iba. Kailangan ko pa gamitin yung pagiging energetic ko para makuha siya. Pre, wag ka maiingit ah. Pero sobrang swerte ko sakaniya. Kaso nga lang, nagsawa na ata siya. Hindi niya na ako mahal. Mas mahal niya ata yung Amerikano kesa sakin." Tumigil yung record. Lalo akong naiyak.

"Babalikan ko na si Woojin. Sana pagbalik ko, nandun parin siya."

**
(a/n: bibitinin ko muna kayo, iuupdate ko 54 at 55 bago irelease 'yung mv bukas. ahehihe ❤)

energetic | p.wjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon