Chapter 1

15 1 1
                                    

Janicha's POV

"La alis na po ako" paalam ko sa aking Lola.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi apo?" Sambit ni Lola, habang taimtim niyang sinusuri ang aking mukha. Umiwas nalang ako ng tingin kay lola, kapagkuway nginitian ko nalang siya.

"Oo naman lola, ang ganda pa ng panaginip ko eh" binigyan ko nalang siya ng isang napakatamis na ngiti at mukhang sumang-ayon naman siya.

"O siya sige, pero bakit ang lalaki ng eyebags mo?" Naku halata ba?

"A-ah, eh kwan.., ay lola late na pala ako" dali-dali kong sambit, sabay halik sa pisngi at lumabas na ako.

Whew muntikan na yun ah.
Ngunit ang nakapagtataka ay ang panaginip ko kagabi pero panaginip nga ba? Hay nalilito ako sa mga sinasabi ng isang estrangherong lalaki, oo lalaki mula sa malalim niyang boses, hindi ko lang kasi makita ang mukha niya pero ang pinatataka ko ay ang paulit-ulit niyang sambit kagabi
"Soon my love, soon" tapos bigla nalang siyang lumapit sa akin na siyang nagpaatras sa akin.
Natatakot man pero nagawa ko pang nagtanong, "S-sino ka" hindi ko man kita ang mukha niya pero alam kong nakangiti siya dahilan ng biglang pagtaas ng aking mga balahibo. Nagsalita siya pero 'soon' lang ang sabi niya at bigla nalang siyang nawala.

*BEEEPPP* Isang malakas na busina ang aking narinig at pagtingin ko sa aking harapan ay may isang Lamborghini ang nadon, ngayon ko lang narealize na nasa gitna pala ako nang kalsada na'ko naman, pesteng panaginip nayun.
*BEEEPPP* Napatalon nalang ako dahil bumusina na naman un, kaya dali-dali nalang akong umalis. Hay ewan ko malelate na'ko ngayon kasi ako mag-aaply bilang secretary sa Fontanilla Company.

****
Sh!t, ano ba kanina pa ako ihi ng ihi, kasi nga kinakabahan talaga ako ang daming nag a-apply, tsaka ung mga unang na- interview parang takot na takot na lumabas eh kaya ayun pang apat na akong pabalik-balik sa cr eh, dalawa nalang kasi ako na ang susunod.

My god isa nalang ako na... Pano kung di ako makapasa? Gusto ko pa namang sumaya si lola eh, hoo kaya ko ito Inhale, exha-
"Ms. Bardaje your the next" naputol lang ang aking pagmumuni ng magsalita ang babaeng... Ay hindi clown pala, sa kapal nang make-up niya mas makapal yata ang make-up niya kaysa sa mga libro ko noong high school ako.
"Anong tinutunganga mo? Ikaw na ang sunod, hay so stupid pano ka makakapasa kung ganyan ka kabagal?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Ah okay" kung sipain kaya kita? Buset!!

Pagpasok ko palang ay bumungad na sakin ang isang malawak ngunit eh? ang dark naman, pano ba eh parang wala kang makikita na sinag ng araw dito tapos black pa ang wall.

"Did you just come here to see my office?" Isang napakalamig na boses ang aking narinig pagtingin ko sa aking harapan ay isang lalaking matangkad, maputi, maganda ang hugis ng mukha, at isama mo pa ang kulay abo ngunit expressionless niyang mga mata.

***
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si lola na nagluluto ng pananghalian.

"Lola!! May good news ako!" Masayang sabi ko, bigla naman siyang tumingin sa gawi ko at ngumiti.

"Lola, mukhang alam mo ang good news ko ha"

"Hahaha halata naman kasi apo,o sige magpalit kana at kakain na tayo" huh? Halata ba? Siyempre ang saya ko kaya.

"Ay lola bibili pala ako ng mga office attire ko para bukas, pwedeng samahan niyo po ako bumili?" Magpapasama nalang ako kay lola, hindi kasi ako mahilig gumala baka maligaw ako eh, saka noong highschool ako wala akong kaibigan so deretso uwi na'ko.

"Oo na pagkatapos nating kumain sige palit ka na" mabilis akong pumunta sa aking silid at bumalik na naman ang aking panaginip kagabi. Mukhang ngayon lang siguro yun, sana di na maulit yun. Bakit ko ba kasi inaalala yun?? Hay ewan napakamisteryoso kasi ung lalaking yun tapos ung boses niya parang narinig ko na ulit, oo ulit, wait ULIT?? Sh!t oo nga magkaboses sila ni Mr. Fontanilla hala baka naman ang sinasabing soon ung lalaki eh yung makapasa ako sa interview hindi kaya yun?? Eh pano naman yung love? Baka baka, ay assuming na naman😊

"Oh apo bakit tulala ka diyan?? At hindi kapa bihis?? May problema ba??" Sunod-sunod na tanong ni Lola.

"Ahehe, iniisip ko lang kasi kung anong mangyayari bukas, oo tama bukas" ngiting sabi ko saking lola.

"Magbihis ka na kakain na tayo nakahain na ako. Bibili pa tayo ng susuutin mo."

"Oo la, susunod na lang ako." Dali-dali akong nagbihis.

***
"Lola eto kaya oh, tignan niyo po bagay po ang kulay sa akin" pinapakita ko kasi ung napili kong damit, nandito kami sa mall. Matagal na kami rito wala pa akong napipili eh.

"Ay oo nga apo, o sige kunin mo Nayan at mabayaran na" siguro naiinip na si lola.
Matapos namin mabayaran ay lumabas na kami sa boutique kasabay nun ay ang pagkabangga ko sa isang pader, huh?? Pader? May pader ba dito sa labas ng boutique na ito? Wala naman kanina eh? Pagangat ko ng aking ulo ay nabigla ako. Gray orbs.

"I-im sorry sir" nakayukong sabi ko. Sh!t si sir Fontanilla.

"It's okay, by the way come in my office at exactly 7:30" What?? Hindi ba't 8:00 dapat?

"A-apo s-sino yan?" Pagtingin ko sa aking side ay nandun si lola para siyang takot na takot.

"Ay lola siya po ang boss ko Mr. Fontanilla." Mahinang sabi ko. Binalik ko ang tingin kay sir, nakatingin siya kay lola at si lola naman ay parang natatakot.

"Ah sige sir una na po kami" mahinang sabi ko. Tumingin muna siya sakin ng 10 segundo at umalis na.

"Lola, ano pong problema?" Nag-aalalang tanong ko kay lola.

"W-wala apo siya, sige uwi na tayo madilim na oh."

****
Naghihintay kami ni Lola ng masasakyan ng may tumigil na isang itim na van sa harapan namin at inuluwal nun ay si sir.

"Hop in" mababa niyang sabi. Nahihiya naman kami ni Lola kaya.

"Ay sir wag na po" nahinhing sabi ko.
Tinignan niya ako na para bang binabasa niya ang aking isip at kapag kuwa'y,
"Come on, walang masyadong sasakyan ngayon puro puno na lahat." Pangungumbinsi niya. Sabagay tama siya. Pagtingin ko kay lola ay nakayuko siya.

"La tara na" mahinang sabi ko.

"Wag na apo nakakahiya"

"La wala na po tayong masasakyan kaya tayo na"

"O, s-siya ,sige tayo na" pilit ang ngiting ibibinigay ni Lola.

Bubuksan ko na ang pintuan ng backseat at unang pumasok si lola susunod na sana ako nang magsalita si sir.

"Ms. Bardaje dito ka sa passenger seat" huh?? Nagtatagalog siya??? Tapos bakit dun ako uupo?? Hala!! My go-

"Do I need to repeat my self?" Hala nagalit yata?

"A-ahm, dito nalang po ako sir" nahihiya ng sabi ko.

"Did you here what I said?" Medyo iritado niyang sabi.

"A-ah oo po, sige po pupunta na po." Sinara ko na ang pintuan ng backseat at pumunta sa passenger seat.

"Guide the way" walang emosyong sabi niya. Ay!oo nga pala bakit di ko naisip yun?? Pag nasa backseat ako mahihirapan kong maituro hay! Utak Janicha..
****

"Ah dito na po sir, salamat po" sabi ko, sabay baba at tinulungnan ko si lola na bumaba. Pagkatapos nun ay umalis na ang sasakyan ni sir.

"Apo may sasabihin ako"






*********
Hahaha bitin po Sarey!✌️

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now