3: Kulang

53 1 0
                                    

--

"Mrs. Capistrano, this isn't the first time we caught her drinking inside the campus, maraming beses na. Maraming beses narin itong nagka cutting class kasama ang mga barkada nya. We can't tolerate this kind of situation anymore." Sermon pa ni Mrs. Suarez ang head ng office of disipline.

"I'm sorry about my daughter Mrs. Suarez, I'm sure kung ano may ang punishment ang ipapataw nyo sa kanya ay gagawin naman ito ng anak ko." My mom said. Nasa tabi ako ni mommy habang nasa harapan ko naman si Mrs. Suarez. Katabi nya ang mga student goverment na naka huli sa akin, including Hierran na masyadong seryoso habang naka pamulsa.

Kahit anong tindig o ayos paman ang gawin nya nanatili parin talaga ang karisma nya sa akin. Kahit isang beses lang sana, bawasan nya 'yon pagka gwapo nya. Nakakaumay na kasi, e! Hay!

"Fine, kapag nag paulit pa 'to hindi ko na talaga alam gagawin ko sa anak nyo, Mrs. Caspistrano." She exclaimed. Mrs. Saurez gazed at me with irritated look. Binaliwala ko iyon dahil wala naman akung pakialam sa sinasabi nya o ano paman.

Biglang sumulyap sa akin si Hierran, malamig lang ang nakikita ko sa mata nya bago nya pinutol iyon. Ngumuso nalang ako at hindi na lamang nag salita pa.

Isang oras ata kami sa DSA bago natapos si Mrs. Suarez sa litanya nya. Pinatawan agad nya ako ng punishment na mag linis sa buong school for 1 week. Not bad na iyon sa akin kaysa naman ma expelled ako sa school na ito, paano nalang si Hierran. Hindi ko na makukuha ang gusto ko.

Pero malabo rin siguro akung e.expelled ni Mrs. Suarez dahil malaki ang naging donasyon nang pamilya ko sa school nato. Kawalan lang nila iyon kapag nawala ako.

Si mommy pinagalitan lang ako nang konti pero wala rin iyon sa akin. Hindi naman kasi masyadong istrikto sila mommy. They give us freedom, support our needs, iyon sila. Lahat binibigay nila sa amin ni Asher, kaya nga maswerte ako sa kanila.

"Gulo nanaman ba?" Si Asher habang naka pamulsang naka titig sa akin sa haba nang pintuan. Amusement is what I seen in his eyes. Ngumuso lang ako habang naka titig sa kanya.

"Hmm, slight lang.." I said playfully. Umismid sya. Inilagay nya sa ulo ko ang mabangong extra t-shirt nya. Mabilis ko iyon kinuha at ngumiwi sa kanya. She just smiled.

"Change your clothes, I'll wait for you here." Aniya.

"Wala na kayong pasok?" I asked while changing my clothes inside the comfort room.

"Absent," my brow furrowed by his answer. Agad na akung lumabas at tinitigan sya nang seryoso.

"Why? It's new, huh? Hindi ka naman a.absent kapag walang dahilan." Ani ko saka lumakad na kami.

"I'm tired, I just want to rest." Sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad at biglang hinawakan ang noo nya. Bigla naman s'yang lumayo kaya hinawakan ko uli ang noo nya.

"Hey, stop that, I'm not sick." Angil nya. I glared at him sabay ismid.

"Bakit ka napagod? Okay ka lang?" I asked concern. Tinalikuran nya ako sabay lakad.

"I'm good, don't worry.. Mauuna na ako, pupuntahan ko pa si Polite." He hissed. Akala ko aalis na talaga sya kaya lang tumigil sya sa pag lalakad sabay lingon sa akin.

"Hey, troublemaker! Be good this time, okay?" Sigaw nya sabay talikod uli. Ngiwian ko nalang sya saka lumihis nang landas. Pumunta nalang akung locker para kunin ang gamit ko at maka uwi na.

Hapon na at wala rin masyadong tao kaya binilisan ko kaagad ang pag kuha ko nang gamit baka kasi wala na akung masakyan kapag nag tagal pa ako dito sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon