Gloomy skies and busy streets.
It's drizzling outside. Lahat ng tao sa labas ay may payong para panangga sa ulan. Halata din na umuulan sa labas dahil sa bintana. Hindi ko makita ng maayos ang nasa labas dahil sa mga butil ng ulan na nasa bintana ng bus.
Suot ko ang uniform ng bangko na pinagtra-trabahuan ko sa may Makati. Pauwi na ako ng biglang umulan ng mahina, mabuti na lang at nakasakay na ako. Inilabas ko ang earphones ko na naka-konekta sa cellphone ko. Isinuot ko ang earphones at tumingin sa labas. Dumating na pala kami sa bus stop kung saan kadalasan maraming bumababa na mga pasahero. Tinignan ko ang buong bus na sinasakyan ko. I notice that the bus is almost empty. Limang tao na lang kaming nakasakay rito.
Pinansin ko ang mga tao sa bus, ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang isang lalaking naka-police uniform. Nakatayo siya kahit marami ang bakanteng upuan. He's lean and a bit muscular. Sa ganda ng kanyang katawan ay bagay na bagay ang suot niyang uniporme. Na-depina pa ang broad shoulders niya. Kahit na kalahati ng mukha niya lang ang nakikita ko ay alam kong napaka-gwapo niya. Makikita mo pa lang sa panga at tangos ng ilong. Kahit naka-itim na sumbrero ay halata na naka-clean cut ang buhok niya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumingin saakin. His eyes are light brown in color. Makapal ang kilay nito na naka-kunot na tumitingin saakin. Ilang segundo lang ay kumalma ang tingin niya at kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang sarili sa pag ngiti.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya. I mentally slapped myself. Natural na ganon ang magiging tingin niya! He thinks that I am checking him out, damn it!
Tumingin na lang ako sa labas at napansin kong malapit na ako sa bababaan kong bus stop. Nahihiyang tumayo ako sa inuupuan ko, dahil alam kong hindi natanggal ang titig niya saakin. I can feel his eyes are watching my every move. Lalo na at madadaanan ko pa siya paglalabas ako ng bus.
Lumakad ako habang umaandar ang bus. Mabuti na lang at may mga railings sa gilid para kahit papaano ay makakapit ako at hindi matumba.
I am not having any trouble walking in a moving bus or in a train. Pero biglang prumeno ang bus at saktong nasa likuran ko lang ang pulis na 'yon ng hindi ako agad nakakapit sa railings. Nawalan ako ng balance at matutumba na. Napapikit ako at hinihintay na sumakit ang likod ko at mapahiga sa bus, pero ilang segundo pa ay hindi ko maramdaman ang sakit.
I opened my eyes and I saw a familiar light brown eyes looking into my coal ones.
His left arm was wrapped around my waist while his right had was holding the railings for support. Ngayon ko lang na pagtanto na mas gwapo pala siya pag malapitan. May hawig siya sa crush kong si Song Joong Ki dahil na rin siguro sa suot niyang black cap.
"Gotcha." He said and then smiled, flashing his full set of white teeth.
BINABASA MO ANG
When The Night Falls
FantasyMost of the time our dreams have no meaning. They are just some ramdom string of thoughts, which we may not even remember. But in Iza's case her dreams are vivid and real. She can clearly remember every little detail in her dreams. And the most ter...