Past
The moment I opened my eyes agad hinanap ng mata ko ang bedside table ko. Nakita ko agad ang digital clock ko at lampshade pero hinfi 'yon ang hinahanap ko. I saw my phone and beside it was a sticky notepad and a pen. Agad kong kinuha ang sticky notes at ang ballpen.
07. 19. 18
Gloomy skies. Empty bus. Policeman with a black cap.
Who is he?
Matapos kong isulat 'yon ay bumangon ako para idikit iyon sa katamtaman na laking bulletin board sa kwarto ko. Pinagmamasdan ko lang ang mga sticky notes na nakadikit doon at tinignan ang kulay light blue na sticky note na dated noong July 17. Napaniginipan kong ngayong araw ito mangyayari. Dahil ngayong araw magaganap ang birthday ng kailangan kong iligtas. I read that note that says..
07. 17. 18
Happy familiar faces. Party. Candles. Fire.
I saw the whole place is burning. And then I saw Emily in the hospital, her arms down to her elbows are wrapped in a white cloth. Nasunog ang balat niya.
Yes. I dreamt of what will happen to Emily, the birthday girl. She's not really a close friend of mine. I just known her because of Kian, my best friend. Naging fling kasi ni Kian si Emily at magkasama sila sa trabaho dahil parehas lang sila ng modelling agency.
Yes. She's a model. And I saw how this incident will affect her life. Kahit naman hindi ko siya naging kaibigan at minsan ay hindi ko gusto ang ugali niya. Kahit papaano ay naging mabait naman siya saakin. And I don't want to see her ruin her life. Gusto ko siyang tulungan.
Simula noong bata ako ay lahat ng panaginip ko ay naging totoo. Nakita ko kung paano at anong sanhi ng pagkamatay nila. I even dreamt of the deaths of the people I am close with. Lalo na nang mapaniginipan ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. My parents knew about my condition. Alam nilang nakikita ko ang hinaharap sa paraan ng pananaginip. At first, I thought it was a blessing, because seeing the future means having a glimpse of what will happen next. I even dreamed of knowing the lucky numbers in the lottery. Sinabi ko iyon kay Tatay at tumaya siya. Yumaman kami nang dahil doon. Simula noon lahat ng napapaniginipan ko ay pinapasulat ni Tatay sa isang journal at itinatago iyon.
Naging busy ang mga magulang ko sa pagpapatayo ng sariling negosyo. Naging maunlad ang megosyo dahil na rin saakin at dahil sa kakayahan kong makita ang hinaharap. Dahil doon... nakita ko kung paano nito wakasan ang buhay ng aking mga magulang. Nakita ko ang sakripisyo nila para mabuhay ako. Napaniginipan ko ang lahat ng 'to pero hindi ko isinulat sa journal. Natatakot akong magkatotoo ang lahat ng ito.
Pero sadyang hindi ko mapipigilan ang itinakdang mangyari...
Naaalala ko noon sa bahay na 'to mismo. Nakita ko kung paano natakot si Nanay at Tatay para saakin. The bad guys were inside our house to took me away. Dahil na rin siguro sa mayaman kami at gusto nila akong kidnap-in o kaya dahil nalaman nila na nakikita ko ang hinaharap sa pamamagitan ng isang panaginip. It all happened eight years ago. When I considered seeing the future as a curse and not a blessing.
"Just stay inside the closet, Daena. Wag na wag kang gagawa ng kahit na anong ingay." Pabulong na sabi ni Nanay habang si Tatay naman ay maingat na inaayos ang pagtataguan ko. Isang secret compartment dito sa closet. Walang maaring makapaglabas saakin kundi ang sarili ko lang dahil fingerprint scanner ang compartment na 'to.
"Nanay. Hindi po ba kayo sasama saakin para magtago?" Tanong ng sampung taong gulang na ako.
"Hindi na anak. Alam kong mapro-protektahan ako ng Tatay." Naiiyak na sabi ni Nanay. Hinalikan niya ang noo ko habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila. Ayaw ba nilang sumama saakin at maligtas?
BINABASA MO ANG
When The Night Falls
FantasyMost of the time our dreams have no meaning. They are just some ramdom string of thoughts, which we may not even remember. But in Iza's case her dreams are vivid and real. She can clearly remember every little detail in her dreams. And the most ter...