Chapter 2:

4 1 0
                                    

HAKURI's POV

Tinulungan ako ni manong driver na ibaba yung mga gamit ko. Ang dami naman kasi, ayaw naman nung maldita kong ate na may makita pa daw na gamit ko dun sa mansyon.Hmnp! Yan tuloy ang dami kong dala-dala.Kainis!Argrrh!.

"Maam lagay kona po itong mga gamit niyo sa dorm niyo."magalang na presinta ni manong.At oo nga pala dorm ako tutuloy simula ngayon, kainis talaga!!.

"Ah okay po."Mahinhin kong sagot.Tumango naman siya at tuluyan ng umalis dala ang gamit ko.Madami dami rin naman yung mga malalaking maleta kaya siguro nagpresinta na siyang dalhin ito.

Nawala na sa paningin ko si manong kaya nama'y tumuloy na ako sa room ko.Yup! May pasok agad, isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit kinuha agad ni manong yung mga maleta ko kasi alam niyang may pasok pa ako.Bait naman nun..sana ganun na lang lahat ng mga tao sa mundo pero sabi nga nila walang taong perpekto, meron at meron kang pagkakamali.

Pero alam niyo ba yung pagkakamali ng mga nakakarami?.Ito yung magbubulungan na nga lang yung rinig mo pa.Ano yun?!Bulungan paba?!.Haysst kunti na lang at mababansagan na talaga silang Bubuyog!.

"Transferee?"

"Mukha nga."

"Diba kalagitnaan na ng semester ngayon?"

"Oo nga no.Baka may kapit sa school kaya ganyan kakapal ang mukhang pumasok ano man ang gusto."

"Malamang sa malamang tama ka."

"Halata naman kasi."

STOP RIGHT THERE!!

Tama na ang pakikinig sa mga bubuyog.Ang dami talagang mga ganyan sa mundo.Ano tawag sa kanila?MGA MAPANGHUSGA!.Yung hindi pa nila alam ang storya mo pero pinapangunahan ka na nila.

Naglakad na lang akong muli at hinanap ang room ko.Naibigay narin naman na lahat ng kailangan ko ni mommy kasi matagal na nila itong plano.Ang ilipat ako sa ibang school, bad influence daw kasi yung mga kaibigan ko sa school.Haysst.

Nang makita kona ay agad akong pumasok.Naka awang naman kasi yung pintuan kaya pumasok na ako.

Pagkapasok ko ay nakita ko agad yung mga estudyante.

May mga may band-aid sa mukha, mga gulo-gulo ang buhok, nakikipaghalikan, nagbabatukan , nagbabatuhan ng mga papel at iba pa.

Ewan ba at bigla na lang ako napa atras.Akalain mo yung may guro sa harap nila pero parang kong ituring nila ito ay hindi nag-e-exist ngayon.Napatulala na lang ako nang sa pag atras ko ay nasagi ko yung trashcan na malapit sa pinto. Gulat akong humarap sa kanila nang maglikha ng ingay ang natumbang trashcan, sapat lang para mapunta sa akin ang lahat ng atensyon nila.

Lagot na!.Paano na ba ito at lahat sila ay nasa akin na ang atensyon.Nanginginig kong kinuha ang tela ng damit ko at doon ibinunton ang kaba ko, para sa akin manerism ko ata ito.Napakagat rin ako ng labi ng makitang nakakunot ang noo nila at yung iba tila inip na sa sasabihin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love That Eyes Of HimWhere stories live. Discover now