Matutulog...
Gigising...
Kakain...
Magcecellphone...
At matutulog ulit...Usual daily routine ng isang teenager na katulad ko. Wala naman ng bago at paulit-ulit na lang din lahat ng tumatakbo sa mundo ko pwera na lang kung may pasok sa school at mga school related na projs na kailangan tapusin sa labas o di kaya ay may galang napagusapan ang barkada o di kaya naman ay kung may family outing na nakaplano. Pero kung titingnan mo, parang puro sa kwarto ko na nga lang umiikot ang buong araw ko. Hayss..
*riinngg*
1 NewMessage Received
*riinngg*
10 NewMessages Received
*tooot*
Someone has tagged you in a facebook post
*tooot* recently tweeted by Nicky
*tooot* Abbie added a photo of youWhat's new?! Tulad ng hindi pagbabago ng daily routine ko, yan, ganyan na ganyan din araw-araw ang sumasalubong sa pretty face ko tuwing bubuksan ko ang wifi ng cellphone ko. Sandamakmak na mga notifs galing sa Messenger, sa Facebook, sa Twitter o di kaya sa Instagram, pero hindi dahil popular ako ha. Mga natural everyday notifs lang na tatambad sayo. At kung hindi naman notifs sa social media accounts ang tatambad sa pretty face ko pag nabuksan ko na ang wifi sa phone ko, mga online games at videos and vlogs naman ang aking pagkakaabalahan. Para na nga akong adik, adik sa gadget na hawak ko na hindi na mabitawbitawan. Sa totoo lang nakakasawa na rin ang never ending cycle ng buhay na meron ako. Ang boring, walang masyadong thrill at hindi gaanong exciting. Okay sana kung maliban sa mga usual ng ginagawa ko sa phone eh may iba pa akong pwedeng gawin.
Di ko na alam ang gagawin ko, para na akong mababaliw sa boredom na ito. I want to try something new, something adventurous na pwede namang magbigay buhay sa plain black and white na buhay ko. That's why I decided to do a prank text at dahil na rin sa nauuso siya sa mga vlogs na napapanuod ko. I just wanna try yung nagtetrend ngayon. Medyo risky siya pero malay naman natin di ba? Ito na pala yung thrill na inaantay ko.
Pero ang pinakahuling tanong...
WORTH THE RISK TO TAKE NGA BA?

BINABASA MO ANG
In Our Own Litte Phone World
Teen FictionSi Shane ay isang typical teenager. Aside from her usual routine of going to school and back to her home, usual routine niya na rin ang nakaharap sa kaniyang cellphone. Para sa kanya, cellphone niya na lang ang nagbibigay ng splash of color sa buhay...