(15 years old)"INAY!!! tama na po!!"
Pawis na pawis na si Liza habang nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa apat na sulok ng kama.
Kanina pa siya nag mamaka-awa sa kanyang inay na tigilan na ang ginagawa ng albularyo sakanyang katawan.
"Tumigil ka! Lumayas ka sa katawan ng babaeng ito!"
Isang hampas nanaman ng malaking dahon ang natamo niya sa kanyang katawan. Kanina pa siya hinahampas hampas ng albularyong ito upang mawala ang masamang espirito sa kanyang katawan
Aray ko! Punyeta naman oh?! Wala nga akong sapi!!
"Aray! Ikaw mamang albularyo ipupukpok ko talaga sayo yang dahon na yan pag nakawala ako dito! Humanda ka sakin!" Sigaw niya habang dinadasalan siya nito ng kakaibang lenguwahe.
"Gooo Gaaaaa Dooooo Meeeee Reeeeee... Layuan mo ang katawan ng babaeng ito.. Ooooooo Goooo gaaaaa Gooooo"
Bwisit! Parang minumura lang ako nitong albularyo na to eh!
"Tumigil kana manong! Wag mong lokohin ang inay ko! Wala akong sapi!!!"
"Tumahimik ka! Hindi ka makakawala sa gapos ng lubid! Lumayas ka sa katawan ng babaeng iyan! Alang alang sa aking kapangyarihan lumayas ka ngayon din masamang espirito!"
Isang hampas nanaman ng dahon ang natamo niya. Masakit sa kanyang balat ang bawat paghampas nito
Jusko naman! Ang sakit na ng katawan ko kakahampas ng albularyong ito! Bwisit talaga!
"Anak lumaban ka! Naririnig mo ba ako anak?" umiiyak sa isang tabi ang kanyang inay bebang. Mukhang takot na takot ito sakanya,
Tumawag ng albularyo ang kanyang inay dahil nakita siya nito na kinakalbo niya ang kanyang sarili . Ginamit niya ang pang ahit ng kanyang kuya Lito sa bigote nito, Kinalbo niya ang kanyang buhok at ang kanyang kilay, Gusto niya kasing subukan kung kahawig ba ng mga tao ang mga aliens kung walang buhok at walang kilay. Tama siya kamukha niya nga ang mga aliens!
Masama bang magpakalbo ha?!
Naisip agad ng mga ito na sinasapian siya ng masamang espirito dahil sa kanyang ginawa. Takot na takot ang inay bebang niya sa kanyang itsura kaya napatakbo ito upang tumawag ng albularyo
putcha naman oh! Nagtrip lang naman ako eh!
"TAMA NA HO! Masakit na ang katawan ko!" sigaw niya sa albulryo ngunit paulit ulit padin siya nitong pinagpapalo ng dahon sa kanyang buong katawan. Napalingon sila ng sumilip ang nakakabatang kapatid niya sa pintuan ng kwarto niya,
Tatlo lang silang mag kakapatid. Ang kuya Lito niya ang panganay. Siya ang pang gitna at si monica ang bunso nilang kapatid. Anak sila ng mga foreigner na nanloko sa kanilang inay.
Black american ang tatay ng kuya Lito niya kaya maitim ito.
White american naman ang kanyang ama
at isang koreano naman ang tatay ni monicaIbat iba man sila ng ama para sakanila sila padin ay magkakapatid lalo na iniwan ng mga ito ang kanilang inay bebang.
"Nay nandito na ho si tita abby!" Sigaw ng bunso niyang kapatid na si monica pag pasok nito sa loob ng kwarto niya. Pinipigilan nitong matawa sa kanyang itsura.
"Papasukin mo anak. Sabihin mo matigas ang ulo ng espirito ayaw padin lubayan ang katawan ng ate mo"
OH MY GOD TINAWAGAN PA NI INAY SI TITA ABBY?! Naku po putcha naman baka kasama ni tita abby si Angelo! Shit shit shit!
BINABASA MO ANG
MY HANDSOME HATER (Completed)
RomanceAngelo Hoffman really hates Liza Loraine Veroone, Isang babaeng maingay , pasaway, rebelde at higit sa lahat kakaiba ang mga trip nito sa buhay. Anak ito ni aling bebang which happens to be his mom's best friend! Palagi nitong nasisira ang kanyang a...