HINDI LAHAT NG NABABASA MO, TOTOO.

203 11 0
                                    

Sa panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita natin sa social media ay totoo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita natin sa social media ay totoo. In one way or another, aminin man natin o hindi, nabiktima na tayo ng fake news.

Suspended na raw ang pasok! Asang-asa ka na at lahat pero pagtingin mo sa source, fake news. Namatay na raw yung sikat na artista! Naki-post ka pa ng kalungkutan mo pero pag-search mo online, ayun pala, fake news.

Ilang buhay na ba ang nasira ng dahil sa fake news na 'yan?

Take this as an example. A random stranger posted on a site na racist o kaya naman ay pedophile daw yung paborito mong K-pop artist. Sa sobrang laki ng issue na 'yon, nag-trend pa nga worldwide. Ang daming taong inisip na totoo 'yon dahil meron pa raw "receipts" at na-judge na yung idol na 'yon. In the end, the said idol's reputation was damaged and the issue was stuck to his name forever.

Kaya bago tayo mag-share ng kahit na anong bagay online, siguruhin muna natin na totoo talaga ang mga 'yon. In a way or another, lives depend on the kind of information that we see, we read and we post. Do not jump into conclusions and don't just join the bandwagon. Be careful of what we post and share. Read, re-read and research!

#makeITsafePH

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon