Life is about grabbing the opportunities given to you at any cost because once you let it go you it might knock on your door again.
- - - -
Malayo layo ang aking binabaybay mula sa kabahayan sa aming sitio papunta sa pinakamalaking bahay sa aming barangay. Hindi na ito bago sa akin sapagkat simula pa noong nagtrabaho ang aking ina sa mansion ng mga Feliciano ay malimit na niya akong isama dito.
Habang nasa daan ay kinakabahan ako sapagkat mismong si Mayor ang nagpatawag sa akin sa kanilang bahay. Pinapasok na agad ako sa gate na gawa sa bakal ni Manong Efren, malayo pa ay tanaw ko na kaagad ang aking ina na nag-iintay sa harap ng double door na gawa sa mahogany na nakasuot ng uniporme ng mga kasambahay ng pamilya.
“Ang tagal mo naman anak, naghilod ka ba?” Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman sa sinabi nya pero alam ko namang nagbibiro lamang sya.
“Opo naman nay, nandyan na po ba si Mayor?” Ngiti at tango ang kanyang sagot at umuna na sa daan.Nagtungo kami sa gazebo malapit sa swimming pool, malimit ay doon nagpapahinga si Mayor kapag nandito sya sa bahay nila.
“Magandang hapon po Mayor at Madaam Luisa.” Ngiti ang ganti sa akin ng may bahay at pinaupo kami ng aking ina sa mahabang bangko na gawa sa pinakamagandang kahoy.
“Kumusta ka naman Eli?” Panimulang tanong ng senyora. Kahit nasa kwarenta na ang ginang ay di mababakas sa kanyang mukha ang kanyang edad. Siguro ay ganun talaga kapag wala masyadong problema.
“Mabuti naman po ako, kayo po?” Hindi mawawala ang respeto ko para sa kanilang pamilya kahit sa pagdaan ng panahon.
“Eli, nakausap na namin si Feliza tungkol sa pagpasok mo sa kolehiyo. Ano nga bang kurso ang gusto mong kunin?” Tanong ni Mayor na naging dahilan ng pagtingin ko sa aking ina- ngumiti lang si Inay habang tumatango-tango.
“Nursing po sana.” Pangarap ko simula pa lang pagkabata.
“Luluwas si Geneva sa isang araw, ihanda mo mga requirements mo at ipapa-enroll na rin kita.” Ang katagang yan ang nagpatigil sa mundo ko.
“Sa Maynila po?” Napakalayo ng Maynila sa aming probinsya, napakamahal ding magpaaral sa lungsod.
“Oo, pumayag na rin naman ang nanay mo. Kami na ang bahalang magpaaral sa’yo basta samahan mo lang si Geneva sa bahay.”
“Huwag nyo na ring problemahin ang allowance mo.” Dagdag pa ni Mayor.
“Si Mila ang sasama sa inyo bilang kasambahay doon, tulungan mo na lang sya sa ibang gawaing bahay.” Hindi ako makapaniwala sa alok ng pamilya Feliciano dahil ang alam ko ay dito ako sa probinsya papasok ng kolehiyo habang nagtatrabaho sa hacienda.
“Maraming maraming salamat po Mayor.” Hindi magkamayaw ang aking ina at bakas sa kanyang mukha ang galak.
“Sige po Madam, hindi po kayo magsisisi sa pagkakataong ibinigay nyo sa akin.”