Chapter 5

23 5 1
                                    

Chapter 5

Isabella POV

Weekend ngayon kaya magiging katulong nanaman ako dito sa bahay

"Bella Nak,punta ka muna sa palengke!bumili ka ng mga gulay dun!" Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko, oh diba?

"Opo Ma!" sigaw ko pabalik at saka lumabas ng kwarto ko.

"Dalian mo ha,para makapag luto na ako ng Umagahan natin" ani ni Mudra sakin,tumango tango lang ako bilang sagot at lumabas na ng bahay.

Lalakarin ko lang yung palengke,total malapit lang naman yun dito sa bahay namin kaya keri lang yan ^_^

"Aleng Minda pabili ng gulay!!" pasigaw kong sabi kay aleng Minda,suki nya kami kaya dito ako sa kanya bumibili at syempre kapitbahay din namin sya,  ang ingay dito sa Palengke!!nakaka stress haha joke lang
Tinanguan lang ako ni Aleng kaya pumipili na ako ng bibilhin ko.

"Sige alis na po ako Aleng!!" mabait din naman ako kaya nagpaalam ako sa kanya

"Oo sige hija,salamat" nakangiting sabi nya kaya dali dali na akong umuwi,

Pero di paman ako nakarating sa bahay ay nakita kong may nagtatakbuhang mga lalaki patungo saken---wait....
Loading..... Patungo sakin??!!
Napataas yung kilay ko,.jusko baka banggain nila ako myghad!

Tumabi ako sa gilid dahil baka dadaan lang,
Tinitigan ko ng mabuti yung tumakbo papalapit sa direksyon ko at dun ko lang narealize na....na ito yung mga ka away nila Feeling--- este Christian?
Tupangin--- tatakbo na ako!

'I'll count one to three,takbo na Bella ah' Sabi ko sa isip.

Tinignan ko muna sila at yes huminto na sila sa pagtakbo at nandito na sila sa harapan ko..
Problema ba nila?wala naman akong ginagawa sa kanila ah,

"Ikaw!" sabi ng isang lalaki at tinuro pa ako, tinignan ko naman sarili ko at nagmaang maangan

"A-ako ba?" Turo ko din sa sarili ko,

"May iba ka pa bang nakita?" sarcastic na tanong nya,napailing iling naman..at kunwari walang pake pero sa totoo lang,kinakabahan na ako!kulang nalang malaglag yung puso ko dahil sa takot

Anong problema nila sakin?

Mag cocount na ako...

1

2

3

"Takboooo!!!" Agad na akong kumaripas ng takbo dahil sa kaba! Ayokong mag yabang yabangan at magkunwaring matigas sa kanila,abah ang dami kaya nila noh!

Takbo lang ako ng takbo kung saan saan,bitbit ko parin yung mga binili ko..
Sumulyap muna ako sa likuran ko at nakita kong nakasunod sila sakin.

Habang tumatakbo ay naghahanap ako ng pwedeng mapagtaguan,
Shems!hinihingal na ako grabe..

May nakita naman akong malaking trashcan sa may sulok na bahagi sa tinatakbuhan ko kaya dali dali akong pumunta dun at nagtago sa likod ng basurahan,..

Sana naman di ako makita!

"Saan tumakbo yun?" Huminto sila malapit sa pinagtaguan ko. Nagsimula nanamang magsituluan yung mga pawis ko. Pati yung kalabog ng dibdib ko ang lakas lakas na..
Anyare sakin huhu !!!

"Naisahan nanaman tayo?!putrages naman oh!" Galit na sabi nung lalaki
Ano ba kaseng kailangan nila sakin?

"Hanapin nyo!baka nagtatago lang yun!" Sabi pa ng lalaki kaya  nanalaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya,nakoooo pls help me!!!

"Yess Boss" sagot ng mga kasama nya.

Mas lalong kumalabog ng malakas yung puso ko dahil may biglang nagtakip ng bibig ko at dinala sa pinakamadilim na sulok
Pinilit kong magpumiglas pero di ko kaya kase ang lakas nya!

"Boss wala na sya dito!" Ani ng mga kasama nya,

"Tara na nga!mga gago!" Puro mura yung mga naririnig ko bago sila nawala,.

Tinanggal naman nung guy ang pagkatakip nya sa bibig ko,halos di ako makahinga ah

"Sino ka ba??ba't------ Christian??!" Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtantong si Feelingerong model ang nag hila sakin..

Nakangiti lang sya at napakamot sa buhok nya,lah gwepe nye enebe--- grrr!!!NO!

Narealize ko namang tinulungan nya ako,pero bakit?bakit nya ginawa to?

"S-salamat" pasalamat ko at umiwas  ng tingin sa kanya..

"It's okay Ms.Isabella,btw how did you know my name?
Oh i forgot,sikat nga pala ako sa school" nakangising sabi nya..

Na alala ko bigla na inutusan pala ako ni Mama,paktay!

Agad na akong tumakbo pauwi,di ko na sya pinansin kahit tinatawag nya pa pangalan ko
Lagot ako neto!

"Ma!" tawag ko agad kay mama na ngayoy nakapamewang na nakaharap sakin.
Kakainin ata ako ng buhay ni Mudra!!!
Hingal na hingal padin ako dahil sa pagod ng pagtakbo

"San ka pa ba napadpad bata ka?" kalmadong tanong ni mudra sakin..napangiti nalang ako dahil di nya ako sinisigawan

"Ahhh....a-ano..sa..." Anong idadahilan ko?
"May tinitignan pa kase akong mga paninda dun ma,tas di ko namalayan na inutusan mo pala ako hehe" ngiting sabi ko..jusqo sana umepek!

"Haysss,ikaw talagang bata ka" kinuha na nya yung binili ko at nagtungo na sya sa kusina..

'Whew'

Bakit nga pala nandun yung Chris nayon doon?

Ayoko pa namang may tumatawag sa full name ko :(

Christian POV

Nakita ko na kung san sya nakatira,ahm simple lang naman yung bahay nila,Maganda yung kulay ng bahay..

Pumunta ako dito para lang malaman kung saan sya nakatira,,
Pero sa di inaasahan, nakita ko syang hinahabol ng Dragon Gang kaya nagtago ako para di nila ako makita, at nung nagtago din si Isabella ay agad ko nang tinakpan ang bibig nya at pumunta sa madidilim para di kami makita.
Alam kong kinakabahan sya at nagpapanggap lang na parang wala.

Umuwi na ako sa bahay,sumakay na ako sa kotse ko saka pinaharurot.

"Saan ka galing hijo?" tanong agad sakin ni Manang Ester

" sa bahay ng barkada ko lang po Manang" sagot ko

"Ganun ba,sige" ani ni Manang saka umalis sa harap ko at nagpatuloy sa ginagawa nya


Hayss wala nanaman parents ko dito sa bahay,ako nanaman ulit mag isa.kaya ako naging ganito eh dahil sa kanila,napabayaan na nila ako tss.

Pumunta na ako sa kwarto ko at napahiga nalang,

May mga tanong sa isip ko na hindi ko alam yung sagot

'Bakit sya hinahabol ng mga lokong yun?'

'Anong dahilan?'

Urggggh!! Ba't ba ako nakiki alam?
Anyare sakin?ahhh isa nga pala to sa naisipan kong plano...



A/N:ayieee kala ko kung ano na...
Thank you for reading guys! Please Vote and Comment!Thanks



I Fell Inlove with a Gangster (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon