Chapter Sixthteen
Isabella POV
Last day na to ng bakasyon namin dito sa Probinsya kaya eenjoy ko lang sarili ko dito..Balik klase nanaman kase
Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin,nakasuot ako ng white tshirt at black jeans,saka isinakbit ang shoulder bag sa balikat ko.Pupunta kami sa sementeryo ngayon kasama sina Mudra at Kuya,bibisitahin namin si Papa bago kami uuwi bukas
Napabuntong hininga muna ako bago lumabas sa kwarto,nadatnan ko sina Mudra at kuya na bihis na bihis na ako nalang pala ang hinihintay.
"Tagal mo talagang magbihis at mag ayos akala ko di kana aalis sa salamin"natawang sabi ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Mudra oh si kuya"
"Tama na yan,halina kayo" nauna na si Mudrang lumabas kaya sumunod nalang kaming dalawa ng panget kong kuya :)
Pag karating namin dito ay nag sindi si Mudra ng kandila at nilagay sa ibabaw ng puntod ni Papa.Ganun rin ang ginawa namin ni kuya saka nilagyan namin ng bulaklak.
"Mahal kumusta kana dyan?pasensya na kung ngayon lang kami naka bisita ng mga anak mo....Miss kana namin.."ani ni Mudra habang hinahaplos ang lapida at umiiyak kaya hinagod ko likod nya,nagsituluan narin ang mga luha ko.
" ...Alam kong natutuwa ka ngayon lalo na't nandito mga anak mo,ang laki na nila mahal" pagpatuloy ni MudraMinsan napaisip ako kung bakit namatay si Papa.Ngayon kase kapag tinatanong ko si Mudra kung anong dahilan ng pagkamatay ni papa ang sasabihin nya lang na dahil sa sakit.
Oo bata pa ako non nung mawala sa amin si Papa mga nasa pito or walong gulang palang ako non,yung dito pa kami nakatira sa probinsya namin..Naalala ko noon na wala naman syang sakit,ang saya saya pa nga namin nung panahon na yun eh
Flashback...
9 years ago...
"Pa laro tayo!"aya ko kay Papa na nagbabasa ng magazines,tinignan nya ako tsaka nginitian
"Anong laro ba yan little baby ko?"
"Tagu-taguan po pa!"masayang sagot ko dahil pumayag syang makipaglaro sakin
"Ako magtatago papa tapos ikaw taya,hahanapin mo ako!""Sige...tago kana dali"
"Takpan mo mata mo pa,daya naman" natawa sya sa sinabi ko kaya ginulo nya buhok ko.Tinakpan nya na mga mata nya kaya nagtago na ako sa likod ng malaking puno
"Tapos na?hahanapin na kita nak"
Napatakip pa ako sa bibig ko para hindi hahagikhik,matagal tagal din akong nakatayo hanggang sa.....
"Huli kaaa!" Wahhh tinawanan ako ni Papa dahil sa reaksiyon ko saka ako kinarga
Lumabas naman si Mama galing sa loob at may dalang meryenda
"Kayo talagang mag Ama" nakangiting ani ni Mama kaya lumapit kami sa kanya at hinalikan pa sya ni papa
"Ang saya saya ko po!!"
End of flashback...
Masaya pa kami ng araw na yun,at makalipas ang isang linggo don na sya nawala samin.Dahil nga bata pa ako noon kaya naniwala ako sa sinasabi ni Mama kahit sobrang sakit para sakin.
Ewan ko ngayon iba ang kutob ko,feeling ko nagsisinungaling lang si Mudra sakin pero di ko alam kung anong dahilan at...
Sisiguraduhin kong magbabayad sila,kung sino man gumawa nun sa Papa ko
Pag ka uwi namin sa bahay ay nag impake na ako ng mga gamit ko para sa pag uwi namin,Mamimiss ko nanaman tong lugar na to
Siguro mga December pa kami babalik para sa Christmas
Kinabukasan
Bumyahe kami ng maaga dahil hindi pa masyadong traffic
Habang nagbabyahe ay napagpasyahan kong mag sound trip na muna nang mag vibrate ang cellphone ko sa message
Binasa ko naman
"How's the Vacation?"- T.H.M
Feeling ko talaga may alam to tungkol don sa palaging naka masid sakin..Sino naman kasi to?
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka pinilit na makatulog..
'Kailangan ko na talagang alamin to'
Nica POV
Nakapag pov din..Hi first of all ang ganda ko charot
At ang ganda rin ng suot kong yellow dress,kasi naman eh!niyaya ako ni Dave my crush ng date kaya gora agad ako!pake nyo ba e first time ko to noh
"Veronica lumabas kana jan,andito na yung sumundong lalaki sayo!" Sigaw ni Mommy kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ko
Shettt!!!ang gwapo naman ni crush!ghad wag maharot Nica!!
"Abah bakit dress suot mo?" Huh?ano ba dapat isuot ko e damit naman din to
"Ito talagang si mommy ang hilig ipahiya ang maganda nyang anak"biro ko
"Of course not,I'm just asking you" sagot nya kaya ngingiti ngiti nalang ako
"Good morning po Tita and Nica"ngiting bati ni Dave samin kaya kinilig ako,ba't ba?laki ng epekto na sakin mga bessy!
Binati naman sya ni Mommy at yun na nga ipanagpaalam nya ako kay Mom buti nalang pumayag kaya Let's go to the Dateee!!!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with a Gangster (Slow Update)
Romance"You're always make me happy....inside"- Isabella All rights Preserve.