Unang Buwan

2.3K 11 0
                                    

Tagu taguan maliwanag ang buwan

Maliwanag nga ba ang buwan?

Pagbilang kong sampu magtago na kayo

Lagi na lang bang tatago?

Isa

Tinatanaw ko ang maliwanag na buwan sa gabing napakatahimik ngunit napakalungkot.

"Bakit mag-isa na lang ang buwan?" Tinanong ko sa sarili ko habang may pumapatak na luha sa aking mga pisnge

"Nasan na ang mga bituwin na kumikinang kasama ang buwan?"Napagtataka kong tanong at pinunas ang mga luha na tuloy-tuloy dumadaloy mula sa aking mga mata.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan na malapit sa bintanang nagsisilbeng liwanag sa madilim kong kwarto, mundo.

Tumayo ako at naglakad papunta sa aking palikuran.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nakasalamuha ko.

"Bakit ako nag-iisa?" Sinabihan ko ang repleksyon sa salamin na halatang pagod at gustong sumukong imahe na natatanaw ko sa sa sarili kong repleksyon ko.

"Bakit hindi ko na siya kasama?" Tumitig ako sa salamin at tinanaw ang imaheng pinapakita nito.

Namamagang mata

Di ka aya ayang buhok

Sabog ang mukha

At nangangayayat

Ako'y napabuntong hininga at nagpatuloy sa gagawin ko sa palikuran na kinatatayuan ko ngayon.

Dalawa

Pagmulat ko ng aking mata, napakabigat parin ng aking katawan pero biglang nakarinig ako ng sigaw mula sa labas ng aking kwarto kaya agaran akong bumaba at lumahas ng bahay kahit na masama ang aking pakiramdam.

"Ahhhh!" Sigaw ng isang babaeng hindi pamilyar ang tinig niya sa aking tainga.

At nakakita ako ng babae na mga nasa idad na tatlongput pataas.

Sino siya?

Napaisip ako kaya naman linapitan ko siya.

"Ano pong problema?" Tinanong ko ang babae at tumingin siya sakin ng may luha sa mata.

"Anak ko!Nawawala anak ko!" Iyak niya sa akin.

"Ano ho ba ang pangalan ng anak ninyo?" Tanong ko sa babae.

"Hindi ko na matandaan!Ang naalala ko lang ay lumabas siya ng bahay at hindi na bumalik!" Iyak ng babae.

Tatlo

Pinagiisipan ko parin ang nangyare kahapon sa ale.

"Lumabas at hindi na ito nakabalik?" Pagiisip ko.

Napakapamilyar ng pangyayareng iyan sa akin ng biglang nakaramdam nanaman ako ng lungkot sa aking puso at muling lumuha ang aking mga mata.

"Bakit?"hagulgol ko.

Biglang nakaramdam ako ng kirot mula sa aking ulo.

"Masyado na akong pagod" payo ko sa sarili ko.

Kailangan ko na magpahinga muna sa ngayon.

Para sa akin.

Apat

Pagmulat ko ng aking mata, napakabigat parin ng aking katawan pero biglang nakarinig ako ng sigaw mula sa labas ng aking kwarto kaya agaran akong bumaba at lumahas ng bahay kahit na masama ang aking pakiramdam.

"Ahhhh!" Sigaw ng isang babae.

Teka napakapamilyar ng mga nangyayare, para bang umuulit uli ang nangyare noong isang araw.

Sumilip naman ako sa bintana at nakita ko ang babaeng nakasalamuha ko noong isang araw.

Hinahanap niya parin ang nawawala niyang anak?

Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na lang sa araw araw kong gawain.

Kaya naman bumaba ako sa kusina para gumawa ng aking makakain ngayong tanghalian.

Kinuha ko ang mga kagamitan mula sa kanyang lalagyanan ng biglang may nalaglag na isang pirasong papel mula sa lalagyanan kaya agaran ko itong pinulot at tiningnan ang nakalagay sa papel na ito.

"Paumanhin, paalam"

Lima

Etoh nanaman tayo, nakatitig sa langit mula sa bintana na ilang beses na naiyakan.

Ngunit ngayo'y handa na ako tanggapin,

Pakawalan.

Handa na ako maging masaya muli, na hindi na siya makakapiling muli.

Handa na ako maging masaya muli, para sa akin.

Muling lumuha ang aking mga mata, ngunit ang mga luhang ito'y luha ng pagtanggap, paggiging malaya.

Ngumiti ako sa sarili ko, hindi dahil nababaliw ako kundi dahil sa paggaan ng aking mabibigat na nararamdaman.

"Magiging masaya muli ako"

(A/n: Ipagpapatuloy sa susunod na pahina)

Tagu TaguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon