(A/n: Pagpapatuloy)
Anim
Nagising ako ng may matamis na ngiti sa aking labi at nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking kaibigan
Kaya kinuha ko ang aking telepono at tiningnan ang mensahe niya sa akin;
Ina ko💜: Bes! Tara gala tayo ngayon sunduin kita sa bahay ninyo!Di na kita nakikita eh :<
At ito'y nagbigay ng maliwanag na ngiti sa aking mukha
Agad akong sumagot
Ako: sige! Hihintayin kita dito
At pagakatapos noon ako'y nag-ayos na ng sarili.
Malibang lang ang sarili.
Pito
"Beesss!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ng aking kaibigan mula sa aking likod kaya naman ako'y napaharap sa kaniya.
Napangiti ako dahil sa maligalig kong kaibigan.
"Kamusta ka? Mukha kang labi sa itsura mo bes" sambit niya sa akin habang tinitingnan ako mula sa itaas ng aking uo mula sa ibaba.
Pinalo ko siya ng mahina sa kanyang balikat at tumingin ng masama sa kaniya.
"Ito naman, biro lang! Alam ko naman mahirap pinagdadaanan mo ngayon kaya nga yinaya kita lumabas dahil aayusan kita!" Tuwang tuwa niyang palalahad sa akin ang sitwasyon
At ako ay napangiti na lamang
"Ang swerte ko sayo" sabi ko ng may matamis na ngiti sa aking labi
Ngumiti siya pabalik
"Walang anuman!Para sa pinaka paborito kong kaibigan gagawin ko ang lahat para sumaya ka uli!" Sabi niya sa akin
"Tara na!" Sabi niya sa akin at kinaladkad niya ako papasok sa loob ng isang gusali.
Walo
Tiningnan ko ang repleksyon ng aking sarili sa malaking salamin sa isang pagupitan
"Ayan!Bagay na bagay sa iyo ang gupit!!" Bati ng tagagupit
Ngumiti ako at tumingin sa aking kaibigan na tuwang tuwa sa aking gupit
"Tara uwi na tayo!" Ngiti noya sa akin habang bihat niya ang isang damakmak na na damit sa kaniyang kamay
Tumawa ako sa hitsura heto
"Tulungan na kita diyan" tawa ko at ngumiti lamang siya
Bagong damit
Bagong gupit
Bagong awra
Bagong buhay
Ng wala siya
Siyam
Tapos na ang sabado't linggo, papasok uli ako sa eskwela ngunit ngayo'y hindi na umiiyak kundi ngumingiti
Tama! Kaya ko to!
Inayos ko ang aking damit at buhok at tiningnan ang sarili sa salamin
Biglang may bumusini mula sa labas ng aking bahay
Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang pamilyar na kotse
Agad akong bumaba at binuksan ang pintuan ng kotse
"Nakanang! Ang ganda mo ngayon ah!" Sambit ng Kaibigan ko
"Maliit na bagay" biro ko at tumawa kaming pareho
"Handa ka na?" Tanong nito sa akin
"Oo, handang handa na" sagot ko sakanya habamg may ngiti sa aking labi.
Sampu
nakarating na kami sa loob ng eskwelahan
Nakataas ang noo at mah simpleng ngiting nakapinta sa aking mukha
Pero bigla akong namutla
Nang Nakita ko ang taong pumatay sa aking nobyo
Tumulo ang aking mga luha habang ito'y hinuhuli ng mga polisya
"Salamat sa Diyos at nahuli na rin siya" Takot na pagkasabi ng aking kaibigan sa akin
Kumirot ang aking puso noong naalala ko ang mga pangyayare
~Nakaraan~
Nageensayo kami ng aking nobyo at mga kaibigan ngayon sa eskwelahan para sa aming proyekto
Ngunit nakarinig kami ng putok galing sa loob ng mga kwarto kaya agad kaming nagtago
Pero..
Pero
Huli na nakatago ang aking nobyo at nakita ko na lang siyang walang malay sa lapag
Pilit kong pigilin ang aking mga hagulgol at mga luhang tulo tuloh na dumadaloy sa aking mga mata mula sa aking tinataguan
~Katapusan~
Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman, kung magagalit ba ako, sasaya, o iiyak dahil nakakulong na siya ngayon.
Tumingala ako sa langit at napangiti
Sa wakas at makakapaghinga ka na din at nabigyan ka na namin ng hustisya.
