Chapter 5 - Bisita

650 52 12
                                    

Dwayne POV

Mataman akong nakatingin sa maamong mukha ni Aly na nasa higaan ko. Pagod ito, I should know, ako ang dahilan ng pagkapagod nito. I am mad at her for lying to me but I can't able to stop myself from wanting her.

Stupid lust!

I groaned at the thought of her body, gumagalaw ang alaga ko. Tangina lang!

Never did I thought that she's a virgin.  Kahit na alam ko kanina may nangyari sa amin hindi ko naman naisip na virgin ito ng unang beses na naangkin ko.  Now I am in deep shit.  I took her innocence, how am I able to get out of this mess?

Gusto ko itong sumbatan kanina matapos ang una naming pagniniig.  Nagsinungaling ito sa akin at hindi ko pwede palagpasin lang iyon.  Pero lagi nalang isang mapusok na halik lang nito, nakakalimutan ko na ang lahat.  Napupuno ng pagnanasa ang isipan ko.

I am so doomed!

Gusto kong batukan nang malakas ang sarili sa kagaguhang pinaggagawa ko.  Maingat akong umalis ng kama at tahimik na nagbihis.  Nang matapos, pumunta ako sa mini bar ng bahay at nagsalin ng alak saka iyon mabilis na ininom.

Nakakailang shot na ako ng inumin ng may kumatok sa unit ko.  Hahayaan ko nalang sana iyon hanggang magsawa ang nasa labas pero parang malabong mangyari.  Walang tigil pa rin ang pagpindot ng kung sino mang-istorbo ang nasa labas.

Walang gana na tumayo ako sa kinauupuan at tinahak ang daan papunta sa pintuan.  I did not bother looking at the peek hole. I just immediately opened the door widely and was taken aback of who's outside.

The least person I want in front of me right now, was actually standing at my doorstep.

"Anong nangyari sa'yo?  Huwag mong sabihin hindi ako welcome rito sa bahay mo, hindi ka na rin makakatungtong sa pamamahay ko."

"B-brent?" nautal ko pang sabi.  Shit!

Pinaningkitan ako ni Brent ng mata bago tinulak papasok ng condo ko.

"Takot kang makita ko kung sino ang tinatago mo rito ano?" seryosong sabi niya.

Alam nitong may kasama ako ngayon dito? Shit!

"Gago ka rin ano?  Ako pa talaga ang ginago mo?"  asik niya sa akin.  Tumalim na rin ang titig niya.

Itinaas ko ang dalawang kamay, senisenyasan siyang kumalma.

"Easy lang, Dude, sasabihin ko naman.  Naghahanap lang ako ng tamang tyempo.  Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito.  Basta nalang nangyari." may pagkatarantang sabi ko.

Sa tagal na panahong kaibigan ko si Brent wala akong masabing masamang tinapay rito.  Mabait ito at lagi mahinahon huwag na huwag lang kakantiin ang mga taong mahal nito.  Kung basag ulo ako, basag ulo rin ito pagdating sa pamilya nito.

"Gago! Pinakasalan mo tapos sasabihin mong basta nalang nagyari?  Kalokohan! Huwag mo bilugin ang ulo ko, matagal na itong bilog."

"Totoo naman talaga, we married in a snap.  Hindi ko nga napag-"

Biglang tumawa si Brent na nagpatigil sa pagsasalita ko.  Kunot-noo akong napatitig sa tumatawa niyang mukha.

"You look like shit, ano ba nangyayari sa iyo?  At malaki atraso mo sa amin, ni hindi mo man lang kami inimbitahan sa kasal mo.  Who's the unlucky girl?"

Tiningnan ko itong mabuti, sinusuri kung nagbibiro ba ito o seryoso.

"Paano mo nalamang kasal na ako?" may pagtatakang tanong ko.

CHAINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon