An: Nirereconstuct ko siya ulit, however pwede mo pa rin siyang basahin na. Ang kwentong ito ay completed na 3 months ago, and now is currently under editing.Tatlong genre ang pinagsasabay ko sa nobelang ito. The story portrays the dark side of romance, with some touch of horror and fantasy.
Enjoy!!!
*****
Tahimik ang gabi na sinisinagan ng maliwanag at bilog na buwan. Kakaiba ang katahimikan sa lugar na iyon. Bagamat patuloy sa pag-ihip ang malamig na simoy ng hangin, ngunit ang malalagong dahon ng puno ay waring walang mga buhay na hindi gumagalaw.
Sa 'di kalayuan ay matatagpuan ang binatang si Shaun na may malalaking mga hakbang. Palakad takbo ito at panay ang lingon sa kanyang likuran.
Takot na takot ang binata na para bang may tinatakbuhan. Makikita ang malalaking butil ng mga pawis na dumadaloy paibaba sa kanyang gwapong mukha. Bakas rin sa kanya ang kakapusan ng paghinga ngunit naroon sa kanya ang determinasyon na makalayo sa masukal na gubat na kinasadlakan.
Hindi niya alintana ang kabang bumubundol sa ilalim ng kanyang dibdib bagkus, walang tigil ang kaniyang pagtakbo. Dumudugo ang walang sapin niyang mga paa na tinutusok ng matutulis na mga bato. Ang kaniyang mga tuhod ay nagnanais ng bumigay ngunit kailangan niyang huwag huminto.
Hapong-hapo ang lalaki dahil sa pagod, ngunit wala siyang ni isang pagkakataon upang magpahinga. Kailangan niyang magmadali! Alam niyang hinahabol na siya ng kanyang kamatayan. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Kailangan niyang mailigtas ang sarili mula sa halimaw na tinatakbuhan! Kailangan niyang makauwi ng buhay!
Ilang sandali pa, isang alulong ng aso ang kanyang narinig sa gitna ng kailaliman ng gabi. Ang tunog na iyon ay waring kutsilyo na tumutusok hanggang sa kailalimang bahagi ng kaniyang tainga dahilan para magsimula siyang mabingi, dagdagan pa ng marahas na pagtambol ng kanyang puso. Mas lalong nadagdagan ang takot at pangamba na namayani sa kanyang dibdib. Alam niyang paparating na ang kanyang tinatakbuhan. Wala na siyang takas pa!
Naisin man sana niyang magkubli sa mga malalaking puno, pero alam niyang walang saysay iyon. Alam ng binata ang kakayahan ng halimaw na ngayo'y mabagsik na humahabol sa kanya! Kung sakali mang maabutan siya nito, alam niyang hindi na siya sisikatan pa ng araw!
Muling nabulabog ang katahimikan ng gabi nang biglang may narinig siyang malakas na pagaspas ng mga pakpak. Wari bang may higanteng ibon ang mabagsik na nakasunod sa kanya! Dumadapo iyon palipat lipat sa malalaking mga puno. Bawat pagdapo nito sa mga sanga, hindi rin nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagkabali ng mga sangang dinadapuan ng nilalang na iyon.
Labis ang kanyang pagkabahala, sapagkat alam niyang nasundan siya nito. Nagsimulang maglandas ang mga luha ng lalaki mula sa nahihindik nitong mga mata.
Biglang nawala ang pagaspas ng mga pakpak. Ang tunog ng pagkaputol ng mga sanga ng puno ay bigla ring huminto. Muling nilingon ng lalaki ang masukal na daang pinagmulan. Tila huminto ang pagalaw ng kapaligiran. Mas lalong nakakabingi ang katahimikan ng gabi ngunit narinig niya ang mabibigat na paghinga ng isang nilalang na nakakubli sa malagong dahon ng puno na naroon mismo sa kanyang harapan.
Nanginginig siyang humakbang paatras. Kasabay ng pag-isi ng kaniyang paghinga ang unti-unti ring pagtayo ng kaniyang mga balahibo sa katawan.
Tatakbo na sana siyang muli ngunit napahinto siya nang mula doon sa malalagong dahon, biglang lumitaw ang nilalang na tinatakbuhan. Dumapo ito sa kanyang harapan na ngayo'y ilang pulgada ang layo mula sa kanya.
Unang tumambad kay Shaun ang pulang mga nanlilisik na mga mata ng halimaw. Ang mga matang iyon ay waring kulay dugong buwan! Nakatitig ito ng mariin sa kanya! Ang matulis na pangil ng halimaw ay nakausli mula sa malapiranha nitong bibig na napupuno ng malalagkit at masangsang na laway. Ang bibig nito ay umabot sa magkabilaang tainga na talagang nagpapangilabot sa kaniya ng husto. Ang balat nito'y punong puno ng itim na balahibo. Tila isang higanteng demonyo ang tumambad sa kanya, dahilan para mamuti ng husto ang binata dahil sa labis na takot.
Ilang sandali pa biglang umatungal ang halimaw kasabay ng pagkabali ng mga buto nito sa katawan. Nakikita ni Shaun ang unti-unting pagbabago ng anyo nito.
Ang kaninang isang mistulang higanteng baboy ramo na may mga pakpak sa likuran ay naging isang gwapong lalaki na may matangos na ilong. Moreno ang balat ng naturang lalaki na may manipis na labi. Kulot ang buhok nito, at ang kaninang mabagsik na pulang mga mata ay unti-unting napalitan ng kulay gabi. Ang mga matang iyon ay biglang umamo. Matipuno ang katawan nito.
Dahil sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan, nakikita niya ang malalapad na dibdib ng kaharap. Hindi maikakaila ni Shaun ang kagandahan ng lalaki. Ang abs nito'y parang nililok ng isang magaling na iskultor. Tila isang morenong Greek God ang kaharap niya ngayon. Wala itong ni isang saplot kaya hayagang nakikita niya ang bawat detalye ng hubo't hubad nitong katawan.
Napasinghap si Shaun sa kanyang nasaksihan. Hindi pa rin humupa ang takot na kanyang naramdaman. Pakiwari niya ay namaligno siya ng malala!
Pamilyar sa kaniya ang lalaking nasa harapan. Hindi siya maaring magkamali! Kilalang kilala niya ang lalaking ito. Kahit magbago pa man ng anyo, hindi niya maikakaila na ang lalaking kaharap ay si Miguel na kaniyang minamahal. Hindi niya lubos maisip na ang binatang nagpapabago sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig ay isang...
ASWANG!
Phyurrehunk
Most Impressive Rankings
#1 BXB category out of 3.54K bxb books
#1 M2M category out of 3.21K m2m books
#6 Horror Category out of 10.4K stories
BINABASA MO ANG
Ang Lover Kong Aswang (Completed)
Romance"Tama ka. Isa akong kampon ng demonyo. Isa akong halimaw na kinakakatakutan ninyong mga tao. Magkaiba ang landas na ating tinatahak. Magkaiba ang ating pinagmulan. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba nating dalawa, minahal kita. Tinanggap kita kahit alam...