"WALANG FOREVER!" sigaw ko sa magkasintahan na katabi ko ngayon. Dito ba naman sa harap ko maglandian? Nakakagago diba?
"Ang bitter ni kuya ah!"
"babe, pabayaan mona yan wala kasi yung lablyf."
At saka sila umalis na dalawa.
Anyways, my name is Kim Taehyung, V na lang. At naniniwala ako sa kasabihang. WALANG FOREVER. Kung bakit? I have six reasons.
Reason#1:
THE ONLY CONSTANT THING IN THE WORLD IS CHANGE.
Well, kasi ganito yan. Lahat ng bagay sa mundo nagbabago at magbabago. Halimbawa ay ito.
Nasa mall kami ng dalawa kong feeling Gwapo na mga kaibigan. Nang makita ni jimin ang girlfriend niya.
"Hi seulgi!"
Bati niya dito pero ang babae tinanguan lang siya at nilampasan nilampasan na akala mo'y di kilala. Kaya naman si Jimin, parang pinagbagsakan ng langit, lupa at porgatoryo.
"Pandak, break na ba kayo ni Seulgi?
Tanong ni jungkook. Pero humiling lang si Jimin.
"Ano?! Eh bakit nilampasan kalang? Teka. Wait. Baka naman nag-away kayo?" dagdag na tanong ko.
"Hindi rin. Hindi ko alam." nasabi nalang ni Jimin.
---
At nandito kami sa bahay nila Jungkook wala daw ang parents niya, kaya mag-isa siya ngayon, dito na rin namin pinag-isipang uminom dahil nga broken hearted ang ang isa namin kaibigan.
Ayan siya sinira ang gamit ni jungkook, iyak lang siya ng iyak kaya naman hinugod ko ang likod niya.
"Arghhhh! JUNGKOOK! TAEHYUNG! anong gagawin ko?! Ahuhuhu! M-mahal na m-mahal ko yun eh! T-tapos t-tapos tapos! Nakipag-break lang siya sa'kin kanina dahil nahihiya na daw siya sa'kin, eskandaloso daw ako? Hindi naman diba?! Diba?!" aniya sabay hawak sa kwelyo ko.
Tinanggal ko ang pagka-kwelyo ng may kumatok sa pinto nila jungkook, pero si jimin hindi pa din tumigil sa kakanguwa. Tumayo si Jungkook at binuksan ang pinto.
Nasa harap namn namin ang mesa na puro bote ng alak, pero si jimin lang naman ang lasing eh. Eh kami ni jungkook medyo nakainom lang.
"Oh aling teressa, bakit po?" tanong ni jungkook.
Tumingin naman ang ali kay jimin.
"Pagsabihan mo yang kaibigan mo na tumigil na kakanguwa, hindi makatulog ang anak ko ng dahil sa'kanya."
Automatic naman na tumahimik si Jimin, mukhang narinig niya ang sinabi ni aling teressa.
"Uhmm opo, ako na po ang bahala. Sige na oh bumalik na po kayo sa pagtulog. Goodnight, sweetdreams!" sabi ni jungkook, at umalis na ang ale.
Aba! Pwede na siya'ng maging kontrabida, ang taray! Ang kapal ng kilay . Brr nakakakilabot na, kulang na lang talaga sakan'ya , pakpak at matutulis na kuko't ngipin. Mukha na siya'ng aswang.
Bumalik na si jungkook, patungo samin.
"Oh, pandak narinig mo yun? Manahimik kana." ani ni jungkook.
"Oo na!" sabay tungga niya ng alak. "Alam niyo mga panget? H-hindi naman ganun dati si seulgi eh. Sweet yung babaeng yun! Pero yung ngayon? Bigla nalang siyang magbabago?! Ahuhu--"
tinakpan ko agad ang bunganga ng magsimula na naman siyang umiyak. Mamaya bumalik na naman si aling Teressa.
Baka mamaya kasama niya na si Maria at leonora, na may dalang baril at itak. Ayaw ko pang mamatay nuh! Mahal ko buhay ko, in english 'Love life.' ayaw ko pang mamatay.
"Alin ba sa salitang "Tumahimik" ang hindi mo maintindihan ah?" sabi ko.
"Sorry naman! Nadala lang!" aniya at tinaggal niya ang pagkakahawak ko sa bunganga niya.
"Pandak, hayaan mo nalang yung babaeng yun!" ani ni jungkook.
"Alam mo kasi pare, dapat di mo iniiyakan ang babaeng yun. Ang panget mo na nga lalo ka pang pumapanget pag umiiyak ka. Ito na lang tandaan mo, the only constant thing in the world is change at---" di na ako pinatapos ni Jimin. Bastos na unanong to.
"Walang forever." aniya.
Nagsulat ako ng malakung check sa hangin.
At simula sa gabing iyon nakapag-move on na si jimin.
Oh ha? Ang bilis nuh? Tinalo pa si flash eh. Guinat siess record holder na siya ng "FASTEST MAN TO MOVE ON" oh diba?