Everything is meant to end.
---
Naglalakad ako puwi sa amin nang biglang magring ang cellphone ko.
"Hello?"
"Hijo! Nasan ka na?! Umuwi ka na bilis!" sabi ni mang chupan ang kapitbahay namin.
"Bakit po?! Nasusunog po ba ang bahay namin?! O baka naman ninanakawan?!"
"Ang Oa ah. Hindi. Umuwi ka na. Ang nanay mo nagbabalotng mga gamit nya. Lalayas ata."
"HO?!"
"Wag mo na akong paulitin. Ang haba-haba ng sinabi ko. Oh sya. Uwi na!"
Pinatay ko ang tawag at nagtatatakbong umuwi sa amin. Pagdating ko nakasalubong ko si mama, palabas sya ng bahay.
"Ma! San po kayo pupunta?!" tanong ko sa kanya. Umiiyak sya.
"Hindi ko na kayang tumira sa iisang bubong kasama ang napaka-walang hiya mong ama! Akala nya kasing-gwapo nya si Lee Minho para mambabae sya ng sabay?! Ang kapal ng mukha nya! Ayoko na!" paliwanag ni mama.
Lumabas naman si papa mula sa labas ng bahay. "Anong pinagsasasabi mo sa anak natin?! Wala sabi akong babae!" sigaw ni papa.
May dalawang sexy'ng babae dumaan sa tapat ng bahay namin.
"Hi!"
" Ang gwapo niya beh nuh? Kamukha niya si lee minho!" at ang walang hiya kong tatay ay kumaway pa.
"Leche ka!" sabay palo sa ulo ni papa."Taehyung! San ka sasama?! Sa gago mong papa o sa akin na maganda mong mama?!"
Ay? Ganon? Decission time. Napabuntong hininga ako.
"Sa inyo po ako sasama, mama."
Sana naman magbago na si papa.
"Mabuti! Dahil dala ko pati mga damit at gamit mo. Tara na." at pumara si mama ng tricycle at sumakay kami. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Ma, ba't kayo maghihiwalay? Di niyo na ba mahal ang isa't isa?" Tanong ko kay mama na nagpahid ng mga luha nya.
"Hindi naman sa ganun anak. Mahal ko ang papa mo. Alam mo bang nasasaktan ako? Pero kailangan naming gawin to dahil talagang hindi kami forever. Anak, everything is meant to end."
'everything is meant to end...'