CHAPTER ONE

2 1 0
                                    

MAINIT na samyo ng haring araw na dumampi sa aking pisngi ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. Inikot ko ang aking paningin sa hindi pamilyar na lugar na iyon, isa itong silid ngunit kaninong silid? Kulay pink ang kulay ng halos lahat ng gamit sa kwarto. Sa tabi ng kaniyang kama ay isang mesang aralan na may malaking salamin at ilang gamit na pambabae. May malalaking larawan rin ng mga lalaki na nakadikit sa pader.

Nasaan ako? Tanong niya sa sarili niya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na hindi gaanong katandaan.

"Good morning Ellie!" bati nito sa kaniya. Nakasuot itong ng dress na kulay pula. May kolorete rin kaniyang mukha at mukhang sopistikada. Sa tantiya niya'y nasa pagitan ng apatnapu hanggang limampu ang edad nito. Nakangiti ito kaya lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi.

"Good morning po Ma'm. Pasensya na po kung nasa kama ako---". Inihanda niya ang sarili sa maaring mangyari ngunit walang bakas ng pagkagulat ang babae nang makita siya. Sino ang babaeng ito? Sinong Ellie? Ako ba si Ellie? 

"Bumaba ka na, nakahain na ang almusal. Naroon na rin ang iyong papa, Anak. Mala-late ka na sa klase." Wika nito, tila hindi napansin ang kaniyang pagkabagabag.

"Anak? T-teka" hindi na nito natapos ang katanungan dahil lumabas na rin ito agad sa kaniyang kwarto.

Anong nangyayari? Ako si Ellie ngunit bakit wala akong matandaan?

Bagaman naguguluhan, tumayo na ako mula sa kama at muling nagsuri ang mga mata sa paghahanap ng sagot sa kaniyang katanungan. Nakita niya ang sarili sa salamin. Babae siya na ang tantiya niya ay labing anim na taon, itim ang mahabang buhok, balingkinitan ang katawan, maputi at makinis. Napahawak siya sa umuusbong na umbok sa kaniyang dibdib. Nakasuot siya ng kulay pink na tshirt na may imprentang Hello Kitty. Nakapagtatakang pati ang kaniyang hitsura ay hindi niya maalala.

Nakita niyang nakasabit ang isang uniporme sa likod ng pinto. Nahagip ng kaniyang mata ang ID na nakasabit dito. Kawangis ng nasa salamin ang babaeng nakangiti sa larawan.

Hindi pa rin siya nakuntento, binuksan niya ang ilang mga cabinet na tila may hinahanap. Ngunit wala ni isa ang nakasagot sa kaniyang mga tanong.

Isang larawan ang nahulog mula sa kaniyang kama ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Ito ay larawan ng isang lalaki at ang babae kanina habang akbay siya.

Ito ba ang aking pamilya?

Ang isang pinto sa kaniyang silid ay nakalaan sa banyo. Tulad ng kwarto puno rin ng kulay pink ang banyo na nahahati sa shower room at toilet. Malinis na nakasalansan ang kaniyang gamit na pampaligo at pangsepilyo. Ngunit wala ni isa rito ay kaniyang nakilala.

Ilang beses niyang inilublob ang sarili sa bath tub upang magising kung nasa panaginip man siya ngunit napagtanto niyang realidad ito.

Hindi ba nakapagtataka na nagising na lamang siya at wala na siyang maalala. Wala namang senyales na naaksidente siya upang magkaroon ng amnesia.

Lumabas siya ng kwarto, marahan ang kaniyang hakbang habang iniikot ang paninigin sa buong bahay. Malaki ito para sa tatlong tao. Puti at itim ang nangingibabaw na kulay. Moderno rin ang tema at mukhang marangya.

"Halika na Anak" masayang bati ng babae kanina, nakaupo na ito sa harap ng mesa.

Tumango lamang siya. Suot na niya ang uniporme at bagaman naguguluhan, hinanda na niya ang sarili sa pagpasok sa paaralan. Nagdesisyon siyang umayon na lamang sa nangyayari upang hindi mag-alala ang kaniyang mga magulang.

Ang babaeng ito ang kaniyang ina. Ang lalaki naman na nagbabasa ng diyaryo ay ang kaniyang ama. Sa pakiwari niya, hindi nagkakalayo ang mga edad nito. Strikto ang mga mata nito habang tahimik na nakikinig sa kanilang munting pag-uusap ng kaniyang ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GOD'S GAMEWhere stories live. Discover now