Chapter 02

7 2 0
                                    

Imrie's Pov:

Nakakikipaglaban ako ng titig sa kisame. Para akong abnormal dahil sa ginagawa ko bakit kasi inorffer ko siya ng trabaho. Okay aaminin ko una kong ginawa ang ginawa ko kanina.

Hindi ako nag-offer sa iba dahil alam kong makakaya naman nilang maghanap. And then, kanina lang may inaya ako. And i also give him my number so that he can  communion me when the time  he decide. Fuck! Why I'm letting myself to be like this.

Ginulo ko ang buhok ko at napaupo. Siguro may toyo ang utak ko at sira ang tornilyo dahil hindi ito naayos simula kagabi. Bakit naging abnor---

"Imrie, anak. Dinner  is  ready downstairs." napatayo ako ng marinig ko ang boses ni mama sa labas nitong kwarto. Agad akong naglakad at binagbuksan siya ng pinto.

"Ah, sige." Lumabas ako ng kwarto at kumapit sa braso ni mama. Nang marating namin ang kusina ay kumpleto na ang lahat, so kami na lang pala ang hinihintay nila.

"Let's eat" mama said and sat down, nasa tabi lang ako ni mama at nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Nakailang subo pa lang ako ng pagkain ng biglang pinuno ni papa ang dining table ng boses niya.

"I decided that you Imrie will be going to lead all the company. I know that you can handle this situation" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin kay papa. I know that this will happen, pero ba't ako? Kuya Ray is there to manage the situation.

"Pa, hehe, ba't po ako?" Pabiro kong tanong sa kanya baka kasi bigla na lang siyang tumayo at sapakin ako, mahirap na.

"Ray have his own company, so why he? Kung nandyan ka naman at kayang i handle ang lahat ng bagay. You're perfect  for this situation, Imrie. Please don't disappoint me" napalunok ako saka tumango.

"Uhm, okay pa. Sige kain na tayo" nagsimula na kaming kumain ulit at sila na naman ni Ray, Mama, at Papa ang nagdaldalan. Hay, sana kaya ko na talagang humawak ng kompanya.

Ulric's Pov :

Hawak ang isang luma kong bag na pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko maagad ang kapatid kong nakatingin sa TV habang sinusuklay ang buhok niya.

"Yanna, asan si Mama at si Papa?" Tanong ko sa kanya habang diretso lang sa paglalakad papunta sa mesa.

"Nasa labas si papa ,kuya. At si mama naman ay naglalaba" sagot ni yanna at tumingin sakin. Nakaupo na ako sa mesa at umiinom ng tubig.

"Kuya pasalubong?" napatingin ako sa kanya sa tanong niya.

"Uhm, sorry Yanna. Wala pa kasing Sweldo. Tapos may utang din ako kay Ranjit." tumango tango ito at mukhang naintindihan naman nito ang sitwasyon ngayon.

Walang nakabakas na lungkot na bumalik siya sa panonood ng TV. Sana maintindihan niya talaga.

Pumunta ako sa likod bahay at nakita ko si mama na naglalaba kahit malapit ng lumubog ang araw. Gusto ko siyang sabihan na huminto na pero baka magalit na naman.

Basta kasi naumpisahan na niya ang pagtatrabaho ay ayaw na niyang huminto at hanggang matapos ay dyan lang siya titigil. Nakatalikod ito sakin kaya hindi nito nakita na nandito ako sa likuran niya.  Bumalik ako sa mesa at kinuha ang bag ko. Saka tumungo sa kwarto ko.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama saka pumikit. Nakakapagod na, pero kailangan ko talagang kumayod para din naman to kila mama at papa lalo na sa kapatid kong magcocollege niya next year.

Napadilat ako ng maalala ko ang nangyari kaninang umaga. Nainsulto ako sa sinabi niya pero nawala din naman agad iyon dahil inalok niya ako ng trabaho. Kinuha ko ang bag na nasa sahig dahil nahulog ito.

Kinuha ko  ang isang card na may number  niya at kasama na ang adress na nakalagay sa card. Hindi nakakapagod ang maging isang Bodyguard, at kung tatanggapin ko ang alok niya siguradong magiging matiwasay ang buhay ko. Magbabantay lang kasi ako sa kanya.

SWEET SEDUCTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon