JTBWY 3

120 1 0
                                    

Allen's POV

2 days after..

Allen, hindi ka ba mag dedeliver ngayon? tanong ni Jessa.


mamaya pa, mauuna muna ako. sabi ko, tumingin naman sakin si Jessa.

teka, sabi sakin ni kuya tom, nakita niya kayo nila senyora ella na tumitingin ng alitaptap. level up na ba? tanong ni Jessa. ginulo ko naman ang buhok niya.

allen naman eh! kakasuklay ko lang! sabi ni Jessa.

sus, nagpapaganda ka lang kay jake! ikaw ah bata ka pa! asar ko, sinamaan naman niya ako ng tingin at nagdabog papuntang kusina😂😂



pumunta naman ako sa may manggahan. at ..



HELP!!! OMY GOSH!!! sigaw ng babae


si SENYORA ELLA??!


Senyora ella, anong gina— sigaw ko sa kanya.

Allen! please help me! sigaw niya. nasa may puno kasi siya. at di siya makababa.

Senyora, tumalon kayo sasaluhin ko kayo! sigaw ko. nagulat naman siya at umiiling. Senyora magtiwala kayo sakin. sigaw ko. tumingin naman siya sakin.

yung paa ko!!! sigaw niya. umiiyak na siya.

senyora, baka parehas tayo mahulog pag umakyat ako. kaya senyora tumalon na kayo! sigaw ko. at tumalon na siya.





pagdilat ko. nakapatong siya sakin.

yung paa ko! ang sakit!!! angal niya. tinulungan ko siyang paupuin.

san masakit? tanong ko, tinuro niya. mukhang naisprain siya.

kanina pa yan nung nagstay ako dun. nadulas sa may sanga. allen ang sakit talaga!! sabi niya, aakmang bubuhatin ko siya.

ano ba!!! sabi ko tulungan mo ko! sigaw niya, tumingin naman ako sa kanya.

eto na nga diba. dadalhin kita sa bahay sabi ko, sinampal naman niya ako.

GRABE SADISTA TALAGA!

ano bang iniisip mo? tanong ko, inirapan naman niya ako. si tiyang marie magaling sa mga ganito. ano gusto mo ba sa hacienda— sabi ko. tinakpan niya bibig ko.

oo na! sige na! sabi niya, inalis niya ang kamay niya sa bibig ko. at inamoy niya.

ang bango no? pwede maging perfume sabi ko inirapan na naman niya ako at binuhat ko na siya.

kapayat na babae ang bigat bigat asar ko, grabe ka nagdidiet kaya ako sabi niya. tumawa naman ako at di siya umimik.




Bahay*

senyora ayaw nyo po ba na magpadoctor? tanong ni tiyang marie kay Ella.


malalaman pa ni daddy, family doctor kasi namin po. salamat po talaga aling marie sabi ni Ella.

ngumiti naman si tiyang marie.

maiwan ko na muna kayo. allen ikaw muna ang bahala kay senyora sabi ni Tiyang marie.

tumango lang ako at umalis na si tiyang.

may nakatali na dahon sa paa ni ella.

binigyan ko naman siya ng maiinom parang herbal ata. binigay lang sakin ni tiyang eh.

"Just To Be With You" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon