MB - 12

1.4K 68 15
                                    

Yurice's P.O.V

*****

"Where are you?!" Bungad ko sa kanya.

"Sa taas ng lupa at ilalim ng langit." Pilosopo nitong sagot.

"Amber! wag mo ako pinagloloko." Frustrated ko na sagot sa phone.

"Ows? You know me? Do i know you?" Halatang nagpipigil ang boses nitong tumawa.

"Amber! I'm asking you where the hell are you?! I don't even know this damn place kaya magpakita kana sa akin!" Kanina magkasama lamang kami ng makuha ng attention ko ang isang manok na baliktad ang mga balahibo.

Kaya naman sa pagkaka amazed ko ay sinundan ko ito hanggang sa nawala na ako.

Napadpad ako sa isang malawak at magandang lupain.

Hitik sa bunga ang mga punong mangga. Parang kay sarap pumitas ngunit kapag ginawa ko ito ay may biglang bumaril or humabol sa akin ng itak o di kaya ay bolo.

Ang alam ko sa mga probinsya ay uso ang mga ganyan lalo kapag dayo ka. Iyon ang nasa imahenasyon ko at tulad sa mga ibang palabas ganun nangyayari.

Bigla kong naipilig ang aking ulo dahil sa lawak ng imahenasyon na inabot ng aking isip.

Nasa palengke lang naman kasi kami at may kinakausap ang bruhang iyon na ibang tao bago ako mawala.

Hindi ako maka gamit ng maze or google map dahil ang hina ng signal nila dito.

Buti at natatawagan ko pa ang hinuyupak na babaeng ito kahit isang bar lang ng battery mayrun cp ko.

Kapag di niya ako agad nahanap ay baka tuluyan na akong mawala sa lugar na ito.

Umuwi kami ng Pilipinas upang magbakasyon ng tatlong araw at sa Batanggas daw kami maglalagi.

May bahay daw ito doon kaya naman pumayag ako. Tinanong ko kung malayo pa ba kami ng huminto ito kanina ngunit pinagtawanan lang ako.

Ewan ko na lang gaano kalaki ang bahay nito. Baka kubo lang dahil sa isang probinsyan nga.

"Look miss... i don't really know who you are." Napapitlag ako dahil sa boses nitong pumukaw na naman sa paglalakbay ng aking diwa.

Napapa facepalm ako dahil sa inis na kanina ko pa tinitimpi.

Muntik ko ng makalimutan na kausap ko pa pala ang balahurang babaeng ito.

"What?! Amber iyang boses mo huh! Wag mo ibahin dahil ang British accent mo klarong klaro kaya sagutin mo ako ng matino!" Pilit ko pa din sabi na di sumisigaw pero ang kaloob-looban ko ay umaalsa na sa inis at gustong magwala.

"Ooh? Are you courting me miss para sagutin kita?"

Damn.....

I'm really frustrated dahil kanina pa siya ganyan. Nakakailan na talaga ito.

"Don't you ever dare to show your face or else i will rip your neck!" Gigil ko.

Halatang pinagtitripan ako ng isang ito dahil narinig ko itong tumawa.

"I'm not idiot to show my face if you just rip my neck. But......" she paused "if my clothes you're going to rip.....just a split of seconds....i will show my face right now." Amusement ang maririnig mo sa boses nito.

"My Butler"(On-going)Where stories live. Discover now