Chapter One

6 0 0
                                    

Isang linggo na din pala ang nakalipas, mula ng nalaman kong may girlfriend na siya. Hanggang ngayon, ang sakit-sakit pa rin! Bakit Rhamir??? Bakeeeeettt?!!! Sana ako nalang siya. Sana. Huhuhuhu!!!

"Nak, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Okay lang po. Wala naman po akong sakit." malamig na sagot ko. Isang linggo na din kasi akong tahimik at hindi masyadong lumalabas ng kwarto na ibang-iba sa totoong ako.

"Baka may problema ka? Magsabi ka lang sakin."

"Wala po. Hehehe." pagkumbinsi ko sa kanya. Alam ko namang hindi siya sanay sa gantong ako kaya talagang nag-aalala siya.

"Osha, sige. Magbihis ka na at aalis tayo. Mag go-grocery ako. At ikaw, diba't pasukan niyo na sa susunod na linggo? Mamili ka na rin ng gamit mo." si Mama. Ngayon ko lang napagtantong pasukan na pala next week! Hays. Tumango nalang ako at lumabas na din siya sa kwarto ko. Agad akong naligo at nagbihis na.

Sa totoo lang, sobra kong dinamdam yung nalaman kong may girlfriend na si Rhamir. Imagine? 7 years old pa lang ako nung naging crush ko siya! Ano naaa!!! 17 years old na kooo!!! Huhuhuhu!!!

"Nak, tara na. Aalis na tayo." si Mama sa labas ng kwarto. Agad naman na kong lumabas at bumaba.

Magkasama kaming naglakad ni Mama papunta sa kanto para mag abang ng masasakyang jeep. Hindi kami mayaman pero hindi ko rin masasabing mahirap kami, kumabaga sakto lang. Nasa America si Papa nag wo-work, yung dalawa ko namang kuya ay parehas ng nag ta-trabaho kaya nakakatulong na din sila sa aming pamilya. Si mama naman, housewife at ako Grade 12 student sa pasukan.

"Para ho manong." si Mama. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa Mall kung san ko nalamang may girlfriend na si Rhamir. Hays. Bat dito pa? Sabagay, ito pala ang pinaka-malapit sa amin. Agad na din kaming pumasok.

"Queen, mag grocery na ko at ikaw naman pumunta ka na sa bilihan ng gamit mo para makauwi tayo agad. Uuwi ngayon yung dalawa mong kuya, magluluto pa ko." mahabang sabi ni Mama. Yes! Uuwi sila kuya! Panigurado marami nanamang pagkain sa bahay! Bwahahaha! Tumango nalang ako bilang tugon. "Oh -- pera pambili mo ng gamit." abot sa akin ni Mama ng 2000 pesos. "Ikaw ng bahala diyan. Magsabi ka kapag kulang."

"Opo ma. Sige na po, mamili na po ako." masayang sagot ko sa kanya. Agad akong pumunta sa National Book Store at namili na. Bumili lang ako ng isang binder dahil yun naman na talaga ang gamit namin sa school. Marami rin akong iba pang pinamili. Ng matapos akong mamili sa NBS pumunta naman ako sa 2nd floor ng Mall para bumili ng bag. Nagandahan ako sa Hawk na color gray and black kaya ayun na ang binili ko. Yan lang naman ang mga kailangan ko, yung iba kasi meron na ko.

At dahil may sobrang 300 pesos ang perang binigay sa akin ni mama, napag desisyunan kong bumili ng ice cream. Pumunta ko sa Snow Panda at bumili ng isang malaking cup ng ice cream. Umupo na muna ko doon at kumain.

"Ang sakit-sakit!" mahinang ani ko sa kawalan. Nababaliw na nga ata talaga ko. Huhuhu! "Bakit?! Huhuhuhuhuhu!!!" napayuko nalang ako sa mesa habang hawak pa rin yung spoon ng ice cream ko. Muntanga na kung muntanga. Huhuhuhu!

"A-Ahhhh, ate okay ka lang???" boses ng hindi pamilyar na tao sa akin. Ganon na ba talaga ko mukhang hindi okay? Agad akong nagtaas ng tingin para makita ko 'tong lalaking 'to. Infairness, gwapo siya, matangkad, maputi, matangos ang ilong, pink ang mga labi, wow brown eyes! Ang cute ahh. Mukhang ka-edad ko lang siya.

"Sa tingin mo?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Ngumisi muna siya at umupo sa vacant seat na nasa harapan ko! Psssh! Di porket pogi ka pwede ka ng mag feeling close dyan! Duh? Ganda kong 'to?! "Psst -- hoy! -- at sino naman ang nagbigay ng permiso sayong umupo sa harapan ko? -- hooy!" bulyaw ko sa tila walang naririnig na lalaking 'to! Parang siraulo!

"Sa tingin ko, okay ka lang naman." mahinahong aniya. "Kung maka-sigaw ka nga dyan! Hooy! Andito lang ako sa harapan mo! Hindi mo ko kailangang sigawan pa!" biglang pag-taas ng tono ng boses niya! Aba't ang kapal naman ng mukha netong kupal na 'to? E siya na nga lang yung nakikiupo!

"Hoy! -- hoy ka rin! Kalalaki mong tao, naninigaw ka! At ikaw pa 'tong may ganang mainis e, ikaw nga tong nangingialam ng may buhay ng may buhay!" bulyaw ko sa kanya. Napansin kong nagtitinginan na ang mga tao sa paligid namin but, I DON'T CARE!

"Kababaeng tao ang ingay-ingay! Tsk!" napabuntong hininga siya. "Ako na nga 'tong nag magandang loob na nagtanong kung okay ka lang ba tapos sisigaw-sigawan mo lang ako?"

"Hindi ko naman kailangan ng magandang loob mo! Duh? Tinawag ba kita para tanungin ako? Hindi naman diba?!" iritadong tugon ko sa kanya. "Nonsense kang kausap! Balakajan!" sigaw kong muli sa kanya at nagmadali na kong umalis! Psssh. Panira ng araw! Sino kaya yung kupal na yon?! Tsk.

"Ohh -- nak? Tagal mo naman? Kanina pa ko natapos mamili. Tinatawagan kita hindi mo naman sinasagot." pagsalubong sa akin ni Mama ng makarating ako sa harap ng supermarket. Nakaupo siya sa mga benches doon.

"Ahhh.. Sorry ma, kumain pa kasi ako ng ice cream. Hehehe." pagpapa-cute ko sa kanya.

"Osha. Tara na, umuwi na tayo at magluluto pa ko." agad siyang tumayo at inilagay ko naman ang mga napamili ko sa cart na pinaglalagyan ng napamili niya. Ako na ang nagtulak nito hanggang sa makalabas kami. At dahil marami kaming dala, nag taxi nalang kami ni Mama.

Maya-maya lang ay nasa bahay na kami. Nag simula mg magluto si Mama habang nanood naman ako ng movie. Maya-maya lang...

My Long Time Crush Into LoveWhere stories live. Discover now