"Waaaaaa! Imissyouuu, kuyaaa!!!" salubong ko kay Kuya Arj, panganay sa aming magkakapatid. "Nasan na fries ko? Hehehe." pagpapa-cute ko sa kanya.
"Na-miss mo lang ata yung fries, hindi ako." tila nagtatampong si Kuya Arj. Hahahahaha. Totoo kuya, mas miss ko yung pagkaing dala mo twing uuwi ka!
"Luh? Di ah! Syempre ikaw yung miss ko!" paninugurado ko sa kanya. "Wala ng nagbubuhat sakin papuntang kwarto twing nakakatulog ako sa sofa." malungkot na dagdag ko.
"Ehh.. kahit naman andito pa rin ako, hindi na kita kayang buhatin! Bigat mong yan! Baka mabali pa mga buto ko. Hahahahaha!" panghahamak niya sa timbang ko! Aba't bwisit to ah! 57 kilo lang naman ako! Mabigat na ba yun?
"Psshh! Sabihin mo, mahina ka lang talaga! Hahahaha!" pang-aasar ko sa kanya. Napansin kong palabas na ng kotse si Kuya Rej kaya siya naman ang sinalubong ko. "Kuyaaaa Rejjj!!!" sigaw ko habang pasalubong sa kanya. "What's up, bro?"
"Ohhh. 'lil sis! Imissyou!" at nagyakapan na nga kami. Si Kuya Rej yung sinundan ko saming magkakapatid. Siya yung madalas kong kasama noon dito sa bahay. Ilang buwan pa lang kasi siyang nagta-trabaho samantalang si Kuya Arj 2 years na. Once in a month din siya kung umuwi, pinagsabay na nila ang uwi nila ni Kuya Arj para magkasama-sama naman kami at makapag-bonding.
"Di niyo man lang ba ko sasama?" nag-iinarteng si Kuya Arj. Hahahaha. Ang cuteee.
"Syempre kasama!" tugon ko sa kanya at hinatak siya palapit sa amin ni Kuya Rej.
"Pwedeng sumali?" pagsingit sa amin ng may hawak pang sandok na si Mama. Mukhang nagluluto pa rin siya.
"Hindi pwede, para lang 'to sa magkakakapatid e." biro ko sa kanya. Bigla namang nalungkot ang mukha niya. "Syempre joke lang! Tara na nga dito ma!" at lumapit nga siya sa amin at nag group hug kami. Haysss. Sarap sa feeling ng ganito, pero sana andito rin si Papa.
"Osha. Tara na sa loob at nagluto ako ng mga paborito niyong ulam." pag-yayaya ni mama. Sabay sabay kaming pumasok at bumungad sa amin ang napakabangong nilulutong ulam ni Mama. Ang saraaaaap! "Ohhhh, umupo na muna kayo dyan at maghahain na ko." tinanguan namin siya at nagpunta na si Mama sa kitchen.
"Balita ko, broken hearted ka daw? Totoo ba?" seryosong tanong sakin ni Kuya Rej. "Nagchat lang sakin si Haela. At nitong mga nakaraan daw e, parang wala ka sa sarili mo sabi ni Mama." nag-aalalang dagdag pa niya.
"Luh? Wala naman akong boyfriend kaya pano mabo-broken? Hahaha!" natatawang ako. "Pero crush meron..." nagsimula ng lumungkot ang boses ko. Tumingin naman silang dalawa sakin na tila naghihintay na mag kwento ko. "Kilala niyo si Rham diba?" pauna kong tanong sa kanila.
"Yung childhood crush mo?" sabay nilang sagot. Hahahaha. Alam na alam talaga nila yung tungkol kay Rham.
"Oo. Yun na nga." huminga muna ko ng malalim. Hays. Ayokong masira yung moment na 'to dahil lang sa sakit na nararamdaman ko. "M-May g-girlfriend na siya." napatingin nalang ako sa baba habang nilalabanan ang mga luhang gusto ng pumatak sa mga mata ko. "Pero okay lang no! Duh? Crush ko lang 'yun! Ganda kong 'to e. Hahaha!" pag-sisinungaling ko. At dahil magaling akong umarte, mukha namang nakumbinsi ko sila dahil nakahinga sila ng maluwag.
"Hays ang hangin! Rej patayin mo nga muna yung electricfan, baka kasi tangayin tayo." si Kuya Arj na akala mong nahahanginan talaga. Hahahaha! Tumawa lang naman si Kuya Rej.
"Hello? Kuya? Im just saying the truth! Im so beautiful and we know it." mahanging tugon ko sa kanila. Hahahaha! Sa totoo lang, hindi naman ako kagandahan. Ewan ko ba sa ibang tao sinasabing maganda ko pero di naman ako maganda-gandahan sa sarili ko.
YOU ARE READING
My Long Time Crush Into Love
General FictionAno nga ba ang pinagkaiba ng Crush, Like at Love? Well for me? Yung tatlong yan ay magkaka-konekta. Nagsisimula tayo sa pagkakaroon ng Crush, kapag napahanga tayo o nagandahan/nagwapuhan sa taong 'yon. Kapag tumagal yung pag hangang 'yon, napupunta...