FRANCIS' POV
"baby, may gusto ka pa bang bilhin o gawin?!" tanong ko sa girlfriend ko na si Arah Vela na kasalukuyang kumakain nang ice cream na gawa sa sili na matagal na niyang kinukulit sa akin.
"wait lang baby ah!" sabi niya kasunod nang pagbitaw niya sa kamay kong nakahawak sa kanya at dinukot niya sa kanyang bulsa ang isang papel na naglalaman nang kanyang bucket list.
"hmmmmmmnnn.. Halos lahat nagawa na natin baby, pero itong last mukhang imposible na eh.." aniya kasunod nang pagtabi ko sa kanya para mabasa ko kung ano ang sinasabi niyang imposible.
"sus! Yan lang pala eh.. Pupuntahan natin yan lahat. Magtiwala ka lang!" pagmamayabang ko sa kanya.
"weh?! Di nga?!" paninigurado niya sa akin habang nakataas pa ang kilay niya
"oo naman baby! Kahit magkanda-baon baon ako sa utang, basta magawa lang natin yang gusto mo sa lahat nang nakalista diyan!" sabi ko na ikinangiti niya.
"salamat huh?! The best boyfriend ever ka talaga Francis!" sabi nito kasabay nang pagyakap nito sa braso ko
Alam ko na masaya si Arrah Vela sa sinabi ko, pero kabaliktaran nito ang nadarama ko..
At habang naglalakad kami palabas nang mall ay nagsalita ako.
"baby.." untag ko sa kanya habang naglalakad kami habang nakaangkla pa rin siya sa braso ko.
"ano yun?!"
"naisip ko lang.. Pwede bang iyan na lang ang last destination natin bago matapos ang buwang ito?!" tanong ko sa kanya.
"okay lang! Ikaw pa ba?! Eh, halos lahat nang hiling ko eh, tinupad mo.." nakangiting sabi nito kasunod nang pag-ayos ko sa buhok niya na kulay blonde..
Na isa din sa mga nakasulat sa kanyang bucket list.
Pagkahatid ko kay Arrah Vela sa bahay nila ay agad kong sinabi sa mga magulang niya ang balak naming gawin..
Alam kong malungkot sila subalit pinipilit nilang maging masaya sa kabila nang lahat para lang sa girlfriend ko.
"sige anak, pero ayos lang ba kung sasama kami nang papa mo sa inyo?!" tanong ni tita Sonia na ina ni Arrah Vela.
"okay lang ba, Francis?!" tanong nito sa akin na ikinangiti ko.
"oo naman, maghahanda lang ako nang budget para----"
"hijo, ayos lang kami ni Arnulfo.. Kami na ang magbabayad nang pamasahe natin dun, tutal naman eh.. Ang dami mo nang ginastos diyan sa anak namin.." putol ni tita Sonia sa sinabi ko.
"ma! Kainis ka!" nakabusangot na sabi nang girlfriend ko sa mga magulang nito na ikinatawa lang namin.
"kailan ba tayo uuwi sa probinsya namin sa Marinduque?!" tanong nito sa akin.
"basta ang usapan po namin ni Arrah ay kapag natapos na po namin ang lahat nang nasa bucket list niya.." sabi ko.
At isang malungkot na ngiti lang ang isinukli sa akin nang mga magulang nito, alam kong mabigat sa loob nila na gawin ito ngunit kailangan. Para kay Arrah..
Sa halos isang taon namin ay puro masasayang alaala ang ginawa namin ni Arrah..
At halos nalibot na namin ang buong Pilipinas, pati ang mga pagkain nang bawat probinsya ay natikman na din niya at maging ang kultura ay nasaksihan niya..
Lahat nang iyon ay ginawa ko para lang sa kanya, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong makita ko ang matamis na ngiti sa labi niya na siyang nagbibigay lakas sa akin..