Masarap talagang makipagkwentuhan lalo na kung mga kaybigan mo ang kausap mo sa sobrang saya. Madalas nalilimutan natin ang oras lalo kung maganda ang usapan. Pero ang kwentong ibabahagi ko ay mula sa di malilimutan karanasan ng dalawang magkaybigan na inabot ng hating gabi sa pagkukwentuhan . Ang mga pangalan at karakter ay sadyang iniba ayon na din sa kanilang hiling.
Year 2007
Masayang masayang nagkukwentuhan ang magkumareng si Lilian at Ising . Si Ising ay may pag aaring sari sari store sa lugar namin sa Novaliches . Madaming pumupunta dun para tumambay at magchikahan maski ako rumarampa din dun . Isang gabi masayang nagtsitsismisan si Lilian at Ising , di nila namalayan na lagpas hating gabi na. Bukas pa din tindahan at di nila alintana ang oras dahil magkatabi lang naman ang bahay ni Lilian at Tindahan ni Ising.
Sa Kalagitnaan ng kwentuhan ay may nahagip ang paningin ni Lilian . Sa gilid ng kanyang mga mata ay may nakikita syang gumagalaw sa puno ng duhat ng lingunin nya ito ay nanlaki ang mg mata nya dahil sa nakita nya.
Isang Babae na nakaputi at nakabigti sa puno ng duhat !
Hindi halos makasalita si Lilian . Napansin ito ni Ising kaya kinuha nya ang atensyon nito .
Hoy Lilian! Ano bang tinitignan mo dyan at naka----
Nahinto sa pagsasalita si Ising nang sundan ang direksyon ang tingin ni Lilian kitang kita din nya ang babaeng nakabigti sa puno. At mas nakakatakot pa ay biglang gumalaw ang ulo nito patungo sa direksyon nila at ngumisi na parang demonyo.
Aaaaaaaaaaah !!!!!!!! Sigaw ng dalawa. Tumakbo papasok ng tindahan si Lilian. Sa sobrang takot ay di na sya umuwi ganun din si Ising . Dali daling binaba ni Ising ang kahoy na nag aangat sa bintana ng tindahan. Nagpatay ng ilaw at nagtabi sa sahig at pinilit matulog.
Kinabukasan ay ikunwento nila ang lahat ng nangyari ng nakaraang gabi samin. Maski kami ay nangilabot sa aming narinig .
"Meron talagang nakatira sa puno na yan"sagot ng may ari ng duhat.
Simula ng mangyari yun ay maaga ng nagsasara si Ising at di na rin sila inaabot ng hating gabi sa pagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO EH!
HorrorMga tinipong kwento ng kababalaghan na nangyari sa tunay na buhay.