Syempre dahil ako ang author dapat karanasan ko muna ang ikukwento ko.
Di nyo naitatanong eh medyo bukas ang aking 3rd Eye lalo na nung bata bata pa ko. May mga nakikita ko na ayaw ko makita . Salamat na lang at ngayon di na ko nakakakita masyado. Anyway etong kwento na to ay tungkol sa aking ninang na nagkaroon ng doppleganger at sisimulan ko na.
Year 2005
3rd year high school ako nun at pang umaga, naisipan kong pumunta sa bahay ng lolo ko na nasa katabing street lang naman para isabay na yung kinakapatid ko na Grade 5 naman that time . Pareho naman kami ng sked so dinaanan ko sya para may kasabay ako.
Nang makarating na ko sa gate. Nag tao po ako , mga dalawang tawag lang ang ginawa ko. Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang muka ni ninang.
"Goodmorning po" ang sabi ko pero di nya ko kinibo at tumalikod na sya. Medyo nagtaka ko pero hinayaan ko na lang pumasok na ko sa gate. Nauna lang sya maglakad sakin at nasa likod nya ko. Nakita ko syang pumasok sa kwarto pero hindi nagbukas ng ilaw . Nakita ko na rin na nasa banyo ang kinakapatid ko at naliligo . Nang pumasok na ko sa kwarto kung saan pumasok ang ninang napanganga ko sa aking nakita.
Wala akong nakitang tao sa loob. Wala din si ninang . Pero di ako pwedeng magkamali dahil kitang kita ko ang pagpasok nya nauna lang sya ng konte maglakad at pumasok pero dun sya sa kwarto dumiretso.
Dahil nakaramdam ako ng takot. Naisip ko nang lumabas at pumunta sa terrace sa taas ng bahay ng lolo ko. Dun na lang ako mag aantay .
Ganun na nga pumunta na ko sa terrace at nagsimulang umakyat ng makarating ako sa bungad ay nabigla ko sa nakita ko.
Si Ninang nasa terrace pala at abala sa pamamalantsa ng damit ng anak nya!
Nawindang ako sa nangyari dahil hindi ko maisip kung panong nandun sya eh galing lang syang kwarto di sana nakita ko sya lumabas . Nakatingin lang ako sa kanya na puno ng pagtataka . Ng lumingon sya sa direksyon ko.
"Oh Ne, Andyan ka na pala isasabay mo ba yung anak ko? Tanong ni ninang.
"Opo sana". Sagot ko.
mamaya pa ay naisip ko magtanong.
"Nang kanina pa po ba kayo andito?"
"Oo kanina pa ko nandito. Namamalantsa kasi ako eh. Di pa ko bumababa eh. Teka pano ka nakapasok dito? Sino nagbukas ng gate ?
Nganga ko sa mga sinabi nya. Kanina pa pala sya dun at hindi pa bumababa kung ganon sino yung sinundan ko sa kwarto?
"Uy"! tawag ni ninang sakin.
"Ah ano po bukas na yung gate kaya nakapasok na po ako. Di nyo ba narinig?
Tanong ko sa kanya. Nagsinungaling na lang ako at di ko na sinabing sya ang nagbukas sakin dahil baka matakot din si ninang. Pero gustong gusto ko sana sabihin.
"Hindi ko narinig Ne eh. Kaya nga nagtaka ko kung pano ka nakapasok. Siguro di ko naisara kagabi."
Tahimik na lang akong naupo at minamasdan si Ninang. Ang hirap isiping kanina pa sya andun samantalang kasama ko sya sa baba. Nakaramdam ako ng pag alala para kay ninang at takot dahil baka maulit ulit yun.
"Sino nga kaya ang nagbukas ng gate?"
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO EH!
HorrorMga tinipong kwento ng kababalaghan na nangyari sa tunay na buhay.