Chapter 1: Meeting the Arrogant Bully

1.6K 41 19
                                    

---

"Alia anak, bangon na may pasok ka pa."
Mabilis akong bumangon pagkarinig ko ng boses ni Mama. First day of School ko ngayon sa Henderson University. International Private School siya kaya naman ganun na lamang kahigpit sa University na papasukan ko. Bawal malate dahil may multang 500 pesos.

Mahirap lang kami kaya wala kaming pambayad pag nagkataon kaya kahit antok na antok pa ako no choice ako kundi ang bumangon na.

Scholar lang ako sa H.U I don't know kung sinong pamilya ba ang nag alok sa akin ng Scholarship I mean nagbigay o pumasok. Ah basta, magulo kasi naman nagulat nalang kami nila mama ng pumunta sa bahay namin ang mismong Principal ng H.U. Nakakapagtaka kasi hindi naman kami sikat o mayaman para puntahan sa bahay ng mismong Principal ng isang Pribado at sikat na University diba?

Nung una ayaw na ayaw ko sana talaga kasi nga di afford nila Mama at Papa yung tuition fee but then inexplained siya ni Mr. Principal na wala daw akong dapat ipag alala dahil bayad na ang lahat at may scholarship pa daw ako.

Dahil grasya na mismo ang lumalapit sa bahay namin kaya di ko na tinanggihan pa. Masama kaya ang tumanggi sa grasya no.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na agad ako kay Mama at Papa na papasok na ako. Bago yun, nagmano muna ako sa kanilang dalawa.

"Kaawaan ka ng Diyos anak. Mag iingat ka dun at Goodluck." Sabi ni Papa habang nainom ng kape niya.

"Ingat ka anak. Galingan mo. Good luck." Si mama naman yun.

"Opo hehe. Sige po. Ingat din kayo ni Mama."
Nakangiti akong lumabas ng bahay.

- HENDERSON UNIVERSITY -

Pagkatapat ko palang sa gate parang nanginginig na kaagad yung tuhod ko. Ang lawak ng School na 'to at ang taas din ng hagdanang kailangan kong tahakin.

"WOAH! GO ALIA! KAYA MO YAN!"
Pagchecheer ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang tahakin ang hagdanan pataas.

Bale kailangan mo pa kasing umakyat ng hagdanan bago ka makapasok sa mismong gate ng H.U.

Pagkarating ko sa entrance mismo inilabas ko sa aking bag ang School I.D ko at inayos ko muna ang glasses ko bago inabot sa guard ang I.D ko. Nginitian niya lang ako at pinayagan ng pumasok.

"Grabe! Ang gaganda ng mga studyante."
Pagpupuri ko sa mga nakikita ko ngayon. Ang ganda kasi nilang magdala ng uniporme. Ako kamusta naman? Parang hindi talaga bagay sa akin 'tong School na 'to pati uniform nila. Hayss! Pero wala akong pake. Pumunta ako dito para mag aral at matuto hindi para bagayan yung school uniform nila mo. Psh.

Sa muli kinuha ko sa bag ko yung Certificate Of Registration ko o COR. "Damn!" Di ko mahanap. Lagot na! Naghanap muna ako ng bakanteng upuan na pwede kong paglatagan ng mga gamit ko. Mukhang kailangan ko kasing maghalungkat ng mabuti para lang makita ang COR ko dahil pag nagkataon at hindi ko iyon mahanap hindi ko malalaman ang mga Schedule ko at classroom number ko.

Sakto pagtingin ko sa gawi ko ay may nakita akong bench. Lumapit ako dun para halungkatin ang laman ng bag ko.

/ BOGSH \

"ARAY!" Reklamo ko habang kinakamot ang ulo ko. Ang sakit nun ah? Ano ba kasi yun? Tiningnan ko ang bagay na tumama sa ulo ko. "Lata?" Lata ito ng soda.

"OPSS! HAHAHA." Rinig kong halakhak ng isang lalaki. Tiningnan ko lang siya ng masama habang papalapit siya sa akin.

"Bakit ka nambabato?" Kalmado kong tanong.

"Bakit di ka umilag?"
Tanong niya pabalik. Which is most hated ko. Ayaw na ayaw ko talaga yung nagtatanong ako tapos sasagutin din ako ng tanong.

"Hindi ko alam. Malay ko ba?"
Kalmado ko oaring sabi.

"Then it's not my fault." Arogante niyang sabi sabay dampot ng latang binato niya sa akin at nilagpasan ako.

"Di ka manlang magsosorry?" Tanong ko kaya napatigil siya at muling lumingon sa gawi ko.

"And why would I do that? Who do you think are you?" Maangas niyang sabi. Aba't anak ng tipaklong. Ako wag niyang sinusubukan. Dahil hindi niya ata ako kilala.

"Because you hit me with that can." Turo ko sa latang hawak niya.

"Do you want me to do it again?" Pagbabanta niya pa. Napakawalng modo talaga. Sayang yung ideal looks niya sa baho ng ugali niya.

"Then, try me."
Matapang kong hamon sa kanya.

/ BOGSH \

Nanlaki ang mga mata ko ng muli niya nga akong batuhin ng latang hawak niya sabay takbo ng mabilis.

"ARGHHH! YOU STUPID MAN!"
Asar na asar kong sigaw sa kanya. Humanda ka lang sa aking tipaklong ka pag nakita talaga ulit kita.

"ARGH!"
Kung hindi lang talaga ako nagmamadali ngayon hahabulin ko sana siya. Grrrh! Naiinis ako sa kanya bwesit ang nilalang na yun. Ang sarap niyang durugin. Fist day na first day sinira niya agad ang araw ko.

Bwesit talaga. Kainis!

Inis na inis man ako wala akong magawa kundi ang hanapin parin ang nawawalang COR ko. Inis na inis kong binuhos ang laman ng bag ko at mabuti na lamang at nakita ko rin ang hinahanap ko.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang room no. ko. It's Room 24 sa 3rd floor ng Building Algeria. May mga signs naman sila kaya nahanap ko naman kaagad yun. Sabog na yung buhok ko at ramdam ko rin ang panunulo ng pawis ko. Wala na akong paki basta kailangan kong makapasok on time.

"Good morning!" Bigla kong saad pagkapasok ko sa room 24.

"HAHAHAHA"
Tawanan ng lahat.

"Ewww! Is she a WITCH?"
Ani ng malanding boses. Witch niya mukha niya. Magulo lang ang buhok witch na agad? bawal ma haggard? Pagsasabunutan ko sila e.

"HAHAHHAHA EWW!"

Hindi ko nalang pinansin mga panlalait nila. Dumiretso nalang ako sa pinakadulo para doon maupo.
Sakto may bakanteng upuan doon.

"OPPS!"
Biglang may naglagay ng paa niya sa nag iisang bakanteng upuan. Nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko ang lalaking ito. Siya yung nambato sa akin kanina. Kaklase ko pala ang loko.

"Excuse me." Sabi ko. Ngunit parang wala siyang narinig.

"Beg." Wala sa kawalan niyang sabi. Beg his face.

"Beg your face." Then nilagay ko na agad yung bag ko. Wala akong pake kung mapatungan paa niya no. Nag eexcuse ako ayaw niya namang umalis di ok.

"Baka gusto mong upuan ko yang paa mo?" Tanong ko sa kanya. Siga na kung siga pero ayaw ko kasing inaapi ako e. Oo mahirap lang kami pero hindi porket mahirap kami ay magpapa api na ako. Of course not.

O_____O

Exactly! Inupuan ko yung paa niya kaya mabilis niya itong inalis. Huh!


___

TO BE CONTINUE ~

Marrying Mr. Arrogant ( #Wattys2k18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon