Aking napagnilayan,
malungkot na nakaraan
Pighating napagdaan, ayaw ko ng balikan
Datapwa't kabiguan'y nagdulot ng karunungan
Puso'y nadurog ng taksil na kaibigan.Isang gintong aral ang aking natutunan
Sa gitna ng kagipitan, pamilya ang makakapitan
Bago magtiwala, isaisip yaring babala:
Pag namayani ang kadiliman, kahit sarili mong anino, ika'y iiwan.
BINABASA MO ANG
Living in poetry
PoetryAnimnapu't walong araw bago ang Pasko Ninais kong ibahagi laman nitong puso Ito'y iaayon sa bawat araw kong karanasan Tunay na sumasalamin sa aking kalooban Sa pighati't tagumpay na aking pagdadaanan Malugod kong ibabahagi laman ng isipan Nawa'y m...