Batong-Buhay

0 0 0
                                        

Sa paningin ng iba, siya'y walang halaga
Walang pumapansin, walang humahanga
Sa mundong pinatitingkad ng dyamante't ginto
Ang tulad niyang bato'y mas mababaw pa sa tanso

Ang hindi nakikita ng mapanghusgang mga mata
Ang kanyang kalooban, sintatag ng sandata
Ating kaagapay sa pang araw-araw na buhay
Walang hinihinging kapalit
ang serbisyong kanyang binibigay.

Living in poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon