Kasal

0 0 0
                                    

Nagsumpaan sa harap ng altar
Nangakong magsasama sa lungkot at saya
Saksi ang pamilya't mga kaibigan
Sa mga pangakong kanilang binitawan.

Ang ngiti sa labi'y unti-unting naglaho
Masayang pagsasama'y nauwi sa pagkabigo
Sinumpaang pag-ibig, nawalan ng saysay
Nagdulot ng pighati ang inakalang masayang buhay.

Dalawang pusong nagmamahalan, ay pinag-iisa
May basbas ng Panginoon ang kanilang pagsasama
Kaya't bakit ang dapat sanay masayang pamilya
Agad na nawawasak pag sinubok ni Bathala?

Sino ang nagkulang, sino ang maysala?
Walang gustong magpatalo, walang nais magparaya..
Ang tibay ng pagmamahalan ay hindi nga ba sapat
Upang magparaya't sa pag-ibig'y maging tapat?

Living in poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon