~~~~~~
Luha
Pagtulo ng tubig mula sa mga mata
Sa sobrang saket dala ng kalungkutan
Mabuti sana kung dahil ito sa saya
Pero pano na kung dahil sobra ng nasasaktan?Baon aa puso ang mga salitang sinabe niyo
Hindi ko na alam kung ano pang ginagawa ko dito sa mundo
Araw-araw nalang luha sa mata'y tumutulo
At ang puso at isip ay gulong guloAyokong ipakita ang pagluha ko sa iba
Ayokong makita nila na ako'y nahihirapan
Masaket, durog na durog na ako, bat di nyo makita?
Konti nalang at baka di ko na makayanan.Gusto kong ibalik ang lahat aa umpisa
Sa mga panahong masaya at wala pang mga luha
Sa mga panahong pamilya at sarili lang ang inuuna
Sa mga panahong di pa nakakamatay ang maling akalaGusto ko ng mag pahinga at lumayo ng bigla
Gusto ko ng mawala nalang na parang bula
Gusto ko ng sa sariling isip ay makawala
Pero di pede lahat ng to, para saken ay kailangan kong ipagdusaSusugal nalang ako sa laro ng panahon
Sasabay nalang, hahayaan, at tatalon
Di na aaksayahin pa ang oras na bumangon
Hahayaan ko nalang ang sarili sa sariling kabaong"Tama na!" Sigaw ng puso kong nawawala
"Sige lang." Sabi ng isip kong di kumokontra
Sana lang, mawalan na ko ng buhay
At ang katawan ko ay tuluyan ng mabaon sa hukay.Ilang beses kong sinubukang huwag sumuko
Pero wala eh. Wala paren, patuloy paring tumutulo
Basta... mahal kita, mahal ko kayo kaya wag mag alinlangan
Kahit wala lang ako sa inyo, nandito paren ako pag kailangan.Sana hindi nalang tayo pinag tagpo
Para di na ko naging pahirap sa inyo
Para di na ako nakasira sa buhay na inyong binuo
At di na nahirapan at nasaktan ang saken ay mahahalagang taoSana bigla nalang akong mawala
At wala ng pumatak sa luha
Sana di na ko dumating sa buhay niyo
At di na nagulo ang dating kayo.~~~~~~