PROLOGUE

104 4 0
                                    


"Hi miss!" Bati ng tricycle driver sa isang babaeng tila takot sa sinag ng araw dahil sa postura nitong itim na hoodie at fitted na jeans. Lingon ito ng lingon na parang may humahabol rito.

Pumasok sa palengke ang dalaga at diretso sa bilihan ng mga karne. Hindi man lang nito alintana ang mga nakakabanggaan niyang mga mamimili. Kung minsan ay sila na anghumihingi ng paumanhin dito kahit siya ang bumabanga sa kanila.

"Ganda, gulay oh sariwang sariwa."

"Miss! Isda ka diyn oh?"

"Ganda! Prutas bagsak presyo."

Yan ang sumusubok na umagaw sa atensyon nito para bumili ng mga tinda nila ngunit nagbingi bingian lang ang dalaga at dumiretso agad sa pakay nito.

"Ano sayo miss?" Wika ng matabang tindera na nadungisan ng dugo ang apron na suot nito.

Natulala bigla ang dalaga sa tanawin na kanyang nakikita, mga itak,kutsilyo at mga duguang bagong katay na karne na nakalatag sa sementadong mesa na nasa kanyang harapan.

Mga bituka, atay at mga laman loob na tumutulo pa ang sariwang dugo. Biglang nagbalik ang mga alaalang pilit na tinatakasan.

FLASHBACK....

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

Isang napakalakas na hangin ang umihip at bumalot ang kadiliman sa buong kwarto kasabay ng pagbukas ng mga bintana at biglang kalabog ng nagsarang pinto ang umalingawngaw.

Nagising ang dalagang nakahimlay sa puting kama at sugatan. May mga aparatong naka kabit dito, oxygen mask at swero.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

Pilit na inaninag ng dalaga ang kanyang kapaligiran. Kinurap kurap at kinusot kusot nito ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha nito ang pananakit ng kanyang tinamong sugat sa katawan.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!"

"Sino ka?" Wika nito ng may halong kaba sa kanyang dibdib. May kung anong boses ang tumatagos sa mga puting pader ng kwarto.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!"

Naninikip ang dibdib ng dalaga sa mga salitang kanyang narinig.

"Hindi! Ayoko na!!" Ramdam ang takot sa boses ng dalaga.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

"Tigilan mo na ako!!" Sigaw ng babae sa tinig na paulit ulit na umaalingaw sa madilim na kwartong kanyang pinaglalagakan na tanging ilaw na nagmumula sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa kanyang kinalalagyan.

"Patay na silang lahat....pinatay niyo sila!" Sigaw nito sa nilalang.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

"Maawa ka...ti..tigilan mo na ako!" Pagsusumamo ng babae at pilit na iniinda and sakit sa kanyang mga sugat. Hinila nito ang mga kableng nakakabit sa kanyang katawan at pinilit na tumayo sa kanyang higaan habang sapo sapo ang nanakit na sugat sa tiyan.

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

"VERITATEM VEL PROVOCATIO!!"

Paulit ulit na umaalinganngaw sa buong kwarto kasabay ng malakas na hangin ang bumalot sa buong kwarto.

"PROVOCATIO!" Sigaw ng babae dahil Hindi na nito kaya ang sakit na nadarama ng kanyang buong katawan.

Isang kakilakilabot na tawa na pawang hinugot sa kailaliman ng lupa ang muling bumalot sa kuwarto.

Game of DemonsWhere stories live. Discover now