Gray's POV
Nakatitig lang kaming dalawa ni Black kay Blaire habang abala itong naghahalungkat sa kanyang bag.Nandito parin kami sa Cyberspace ng school. Hindi na kami nag abala pang umalis dahil sigurado ay mahuhuli lang kami ng students council.
Guidance na naman ang bagsak sigurado. Nakakasawa ng makita yung matanda sa Guidance Office isama mo na yung masangsang na amoy ng lumang papel.
"Ano bang hinahanap mo?" Pagtatanong ni Black habang sipsip nito ang iced tea na binili namin sa cafeteria.
"Wait lang!" Sagot naman nito.
"Good thing at nagbati na kayo. Buti kinausap ka na ng kapatid mo Black." Habol nito.
"As always I did the first move, Nothing new." Wika naman ni Black.
"Pasalamat ka pinatawad kitang kumag ka!" Sigaw ko sa kanya na ikinataas ng kanyang kamay tanda ng pagsuko nito.
"Got it!" Inilabas ni Blaire ang itim na bote sa kanyang bag.
Wait, Is that the bottle we used last night.
"Ano yan Blaire remembrance? Dinala mo pa talaga yang boteng yan." Natatawang wika ni Black. Hinablot nito ang bote kay Blaire.
"Tuloy natin yung laro? Paikutin ko na." Kinonyatan siya ni Blaire sa sentido na ikinangisi ko. Bagay sayo yan gago.
"What's with that worried face huh?" Tanong ko agad sa kanya ng mapansin ko ang pag aalala.
"You two? Wala ba kayong napansin na kakaiba sa bote noong nilalaro natin?" Balik na tanong nito sa akin.
"Aside from those odd line carving and that familiar sigil. Nothing." Agad ko naman sagot dito habang sumisipsip.
"Why?" Nakakunot kong tanong sa kanya.
"I noticed a hard atmosphere last night while we are playing." Saad naman ni Black na walang patumanggang sumisipsip.
"You felt it too?" Tanong ko naman agad sa kanya.
Akala ko masama lang ang pakiramdam ko kagabi kung kaya't mabigat ang nararamadama ko. Hindi lang pala ako.
"Shit! I think we did something wrong. We messed up with something or someone." Natatakot na wika ni Blaire habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Black.
"Ano bang nangyayare Blaire?" Naiinis na tanong ni Black.
Kahit ako konti nalang sisigawan ko na si Blaire. She's acting weird.
"Ok! Gray you said that you are familiar with this sigil, right?" Tanong agad nito ng kumalma.
She point out the sigil of a goat head enclosed in a circle with inverted star inside.
"Yeah just familiar but I forgot where I saw that symbol." Sagot ko.
I know that I already encountered that symbol. I just didn't know where and when. That goat head with a long horn is giving me a goosebumps. Everytime I stare at the sigil it seems it was smiling back at me.
"I knew it!"
"What?" Gulat na tanong ni Black.
"That symbol is the sigil of baphomet." Sabi ko nang maalala ko kung saan ko nakita ang simbolong iyon.