Di Pa Ba Ako Sapat?

4 0 0
                                    

Kay daming tanong sa aking isip
bakit kapa nakilala
gayong kalaunan
ika' mawawala rin pala!

Masakit! napakahirap
minahal mo ng tapat
bandang huli
maghahanap din pala ng iba
na nung una akala mo
sarili mo lang haka haka
un pala puro kasinungalingan
din pala ang tulad nya.

Sabi ko sa sarili ko
Huli na talaga ito.
Makailang beses na ba tayong
Nag away naghiwalay
pangako dito
pangako dyan
sinabi mo pa nga sakin
huling huli na ito
kapag di ko pa nagawa
mga pangako ko
mabilis pa sa alas kwatro
Iwanan mo na ako.

Pero may nangyari ba?
Simple lang naman ang gusto ko
Ung makasama ka
ung mayakap ko naman
ung lalakeng pinapangarap ko
Ayoko kasing isipin
Na pinapaasa mo lang ang tulad ko.

Aaminin ko nagkamali ako
Nagkasala di naging tapat
Sa pangakong
Ikaw lang ang bibigyan ng atensyon
At pagmamahal
Na kahit kelan di puedeng agawin
Ng sinuman.

Subalit ako'y nagkamali
Dahil sa tagal ng pagaantay
na kahit ako nagdududa na
Kung tutuparin mo pa ba ang iyong pangako
na darating ung oras ikaw at ako'y hindi
na magkakalayo.
Oo ibinaling ko sa iba ang
dapat sana'y pagtingin na para lang sayo,
sabi ko nga kung ung tunay na mgasawa
nagagawa pang matukso.Ako pa kayang
ni hindi ko alam ang tunay na lugar sa buhay mo.

Ilang beses ko ng naramdaman
na di ako mahalaga sayo.
Ilang beses itinatwa sa mga kakilala mo.
Un pde ko pang matanggap pero
ang itatwa ako sa babaeng
nauugnay sayo
sobrang sakit!
Mas masakit pa sa tarak
ng punlo at kutsilyo.

Bakit sadya bang napaka walang
kwenta kong tao?
para paulit ulit mong iparamdam
sakin ang mga pasakit
na sinabi mo sakin
"Bakit ako ba makailang beses mong
sinaktan?".
Anu ito?!gantihan? sana di mo nalang ako
pinatawad sa aking mga pgkakasala
kesa naman pakiramdam ko
kaya mo ako ginustong manatili
sayo para maibalik mo sakin
lahat ng sakit na binigay ko.

Sabihin mo nang baliw ako
pero di mo maikakailang ramdam
kong matagal na akong may kapalit saiyo.
Alam kong di ako sapat para saiyo
Dahil kapag kailangan mo ng kayap
sa malalamig na gabi di ko un kayang ibigay
malayo ako kung kayat naghanap ka
nang babaeng handang ialay sayo
katawan nyang pinagnasaan na ng buong baryo nyo.

Di ko sinasahing napaka linis ko
subalit kahit napaka daming tukso sa paligid ko
at kahit para saiyo ako na ang pinakanmalandi
pinakamaduming babaeng nakilala mo
isa lang ang pupede kong ipagmalaki sayo...
Mlinis ang puso ko. Yan lang ang di pupuedeng
Ibigay sayo ng talipandas,haliparot na babae mo.

Ayokong makipag kumpetensya
Sa taong di abot ang level ko
at kahit kelan hindi ako magmamakaawang
manatili ka sa piling ko.
Alam ko ang kahalagahan ko bilang babae
Di ako magpapakamartir sa tulad mong
takot humarap sa katotohanan
pagkat di kayang magpakalalake.

Hindi na ako magtatanong pa.
Pagkat alam na alam ko na ang sagot sa
Di paba ako sapat?
Matagal mo nang sinagot ang tanong kong un
Alam ko di ako sapat
Dahil kung naging sapat ako sayo
Sana wala akong naisulat na ganito...

My Collection Of My Hugot Feels About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon