Hindi ko alam kung isang napaka laking kahibangan
Nang pinayagan kitang pumasok sa aking tahimik
na mundo.Pero wala ka naman naging kasalanan dun,
ako ang kusang nagbukas ng pinto
upang papasukin ka sa puso kong
ang tanging inaasam ay sana may
magmahal sakin ng pag mamahal
na meron ako.Tandang tanda ko pa
October 28 2015 saturday 11:30pm
matutulog na sana ako
nang magring ang celphone ko
Isang lalakeng napaka galang
at ubod ng lumanay ang boses
ang gumising sa aking patulog nang
kamalayan.Bigla akong nakadama ng kakaibang saya
Di maintindihan di rin alam
Kung ako ba'y nanagip
pagkat sa buong buhay ko tila
may munting tinig ang syang nagsasabing...
wag mo na syang pakawalan
malay mo sya pala ang magiging
kasama mo sa pglalakbay sa kasalukuyan.May konting alinlangan sa aking pagiisip
sapagkat di naman kita lubusang kakilala
paano ko malalaman kung ikaw nga ay
tapat at hindi lang ako basta pinapaniwala.Lumipas ang mga oras inabot na kami ng umaga
na ni minsan di ko pa nagawa.
Napangiti tuloy ako at naisip na...
sino ba talaga ang lalakeng ito?
bakit ba kahit na sandali ko pa lamang
syang nakilala pero parang
may konektion agad kami sa isat isa.Para sa iba iisipin nila
ang cheap ko ata
kasi bago tayo tuluyang nagpaalam
bigla mong binigkas ang mga salitang
pakiramdam ko'y nun ko lamang narinig
dahil siguro ibang iba ka
sa mga nagsabi nito
ramdam ko ang katapatan sayong tinig
parang walang halong bola
kundi punong puno ng pag ibig.Oo nakakatawa
kasi sa isang buong gabing un
para akong bumalik sa pagka bata
dahil heto ang isang binata
na umaapaw sa puso nya
ang kasiyahan na ako'y dumating sa buhay nya.Makalipas ang tatlong taon
heto na tayo ngayon.
Wala parin katuparan ang mga pinangako
mo sa akin nuon.
Nandito parin ako umaasa na sana
paglaanan mo nman ako ng iyong panahon.Anu na bang nangyari sa mga pangakong yon
tuluyan narin ba itong pinaglipasan ng panahon.
Kabalintunaan ito ng mga sinabi mo
na kahit na anong mangyari dumating man
ang napakalaking bagyo sa relasyon natin
walang bibitaw walang susukoPero sayo na mismo nanggaling
mga salitang di ko sukat akalain
bumibitiw kna at sinabing suko kna
pagkat di mo na kaya
gusto ko sanang sabihin saiyo
na baka pde pang bigyan natin
nang isa pang pagkakataon
na maging maayos ang ating relasyon
pero mukhang may nakita ka nang iba
kaya ka sumuko at gusto na akong iwan mgisa.Di na kita pipigilan pa
ibibigay ko sayo ang kalayaang
magmahal ng iba
siguro nga hindi ako ung babaeng
totoong minahal mo
maaaring masyado ka lang natuwa
nang makilala mo ako kaya di muna
naisip ito ba talaga ang babaeng gusto ko?Sa ngayon hindi ko pa talaga kayang
makipag usap sayo.
Masakit parin kasi
sobrang lalim ng sugat na ginawa mo.
wag kang mag alala hangad kong lumigaya ka
at sana kung sino man sya.
Sana sya na ung babaeng ihaharap mo sa dambanaNang sa ganun mabigyan mo naman ng buong
pamilya ang anak mong alam kong
labis kang nangungulilang makasama na sya.
Wag mo akong alalahanin
kasi kahit na walang dumating sa buhay kong
lalaking mamahalin magiging masaya parin ako
sa buhay lalo't di ako naging sakim sa kaligayahan
nang lalaking dating minahal ko
Pero kung puede lang sana hinihiling kong
tuluyan mo narin akong limutin
Tama na ung nagmahalan tayo
kahit di man un totoo bastq ang panalangin ko
magkaroon ka ng isang pamilyang
batid mo sa sarili mong wala kang natapakan
na kahit na sino.
BINABASA MO ANG
My Collection Of My Hugot Feels About You
PoetryA collections of my thoughts,pain,and how it affect my whole being but made me into a better woman...