Prologue

3 0 0
                                    

You and I
This is a WORK OF FICTION. Names, characters, place, and events are only FICTITIOUS. Any Resemblance to the real person, living or dead, or actual event is purely COINCIDENTAL.

AllRightsReserved
©2018

|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|
PROLOGUE
|•|•|•|•|•|•|•|•|•|•|

"Tita, iiwan ko na kayo" malungkot na saad ko kay tita na kasalukuyang nasa harap ko at tulala. Bat' kaya tulala 'to? Nagulat ako dahil inilapad ni tita ang kamay niya sa noo at leeg ko sabay hawak sa dalawa kong pisnge.

"Ano nangyari sayo? May sakit ka ba? May cancer kana ba? Waaaahhh! Sam! Bat ngayon mo lang sinabi! Anong stage na? Stage 4 na ba?! Waaahhhh! Ang babyy Sam ko mamamatayyy na! HUHUHUHU!" Hala! Anyare kay tita? Pinapatay na niya agad ako! Kahit kailan talaga! ang OA ng tita ko, di ko alam kung tita ko ba talaga to sa sobrang ka-OA-yan.

Hayss... di ko kasi maexplain, ang hirap sabihin. Di ko mailabas ang gusto kong sabihin.

"Tita! Huminahon po kayo! Wala po akong sakit at lalo'ng wala po akong cancer! Tita naman ang OA niyo po!" Saad ko kay tita na medyo natatawa pa.

"Huh? Eh ano ba yung sinasabi mo na iiwan mo na kami? Hindi ko maintindihan eh." Bakas sa mukha ni tita ang pagkalito. Hahahaha! Kasi si tita pinangungunahan ako eh >•<

"Tita makinig ka ng mabuti. Aalis na ako tita." Napangiti si tita at tinalikuran ako habang papunta siya sa kusina.

Wutt? Masaya si tita na aalis na ako? Siguro nga kasi tinalikuran niya ako tska pabigat na siguro ako sakanila hayss. Ihahanda ko na nga ang mga gamit ko.

Papanik na sana ako papunta sa kwarto ko kaso tinawag ako ni tita...

"Oh? Sam, akala ko ba aalis kana? Bakit ka pa papanik sa kwarto mo?" Nakagiting saad ni tita.

Waaaahh! Pinagmamadali na niya ako huhuhu naiiyak na ako... dagdag gastos lang siguro ako sakanila. Mangiyak-ngiyak na ang mata ko at agad itong napansin ni tita kaya nilapitan niya ako.

"My babyyy sam! Bat' umiiyak ang baby ko?" Malungkot na saad ni tita. Pagkasabing pagkasabi ni tita non' agad na humagulgol ako ng iyak.

Ayoko sanang ipakita sakanila na umiiyak ako, kaso ang sakit lang isipin na masaya si tita na aalis na ako. Tinuring ko siya parang totoong nanay at totoong pamilya, simula ng maulila ako.

Ta-tapos, masaya pa si tita na aalis na ako. Waahhhhh huhuhu!

| | _ | |

"E-ehh tita, masaya pa po ka-kasi kayo na aalis n-na ako, di ba po dapat malungkot kayo? *Sob*" utal-utal na saad ko kay tita.

"Aba'y sympre dapat lang na matuwa ako! Kasi baby first time mo magpaalam sa akin na aalis ka, gagala ka no'! Natuwa ako kasi hindi ka naman mahilig gumala diba? At ngayon lang kaya babyy, I'm happy for you!" Pagkasabi non ni tita parang kusang bumabalik yung luha sa mata ko (eme) 

Hala! Si tita na-misunderstand niya ang sinabi kong aalis na ako. Hindi naman ako gagala eh, pano ko kaya to' masasabi?

"Tita, listen to me. Mali po ang iniisip niyo, tita aalis na po ako dito" ayyyssh! Pano ba ito? "Tita hindi na po ako dito titira. Gusto ko po maging independent, baka po kasi nagiging pabigat na ako dito"dugtong ko, agad naman akong yinakap ni tita at hinahagod ang likod ko, ramdam ko ang pagiyak ni tita kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinawakan siya sa balikat.

"Tita, gagawin ko ito para sainyo at para na din sakin. Masyado na po kayo'ng madaming binigay at ginawa sakin simula ng iwan ako ng mga totoong magulang ko sa tapat ng bahay niyo. Kaya tita maraming salamat po sa lahat tska tita lilipat na din po ako ng school, scholar po ako at mangungupahan nalang po muna ako" sabay pilit kong ngiti sa harap ni tita.

"Baby sam, di naman ako nagkulang sayo diba? Tska kaya mo ba magisa? Makakayanan mo ba maging independent?" Alalang tanong sakin ni tita.

"Tita, kaya ko na po at tska magpapart-time job nalang po ako para naman po may panggastos ako" pilit na ngiti ulit ang lumabas sa labi ko

"Osige baby, kung iyan ang gusto mo, mamimiss kita baby sam" mangiyak-ngiyak na sabi ni tita, naiiyak din tuloy ako, mahal na mahal ko si tita na para ko na siya'ng tunay nanay.

"Mamimiss din kita tita!" Sabay yakap kay tita ng mahigpit.

"Kailan ang alis mo?"

"Baka bukas tita, kaya magaayos na po ako ng mga gamit ko"

Tumango nalang si tita at bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya

_______________
KINABUKASAN

"Tita mamimiss kita ng sobra, dadalaw naman po ako dito paminsan-minsan. Alagaan niyo po sarili niyo" agad ko naman yinakap si tita na umiiyak

"Tito! Salamat po kasi tinggap niyo po ako pamilyang ito. Mamimiss kita tito!" Sabay yakap ko kay tito

"Kuya lui! Mamimiss din kita! Be a good boy kay tito at tita ah. Salamat sa pagiging kuya sakin" sabay yakap ko kay kuya lui

Dala ko na ang mga gamit ko. Pinagamit sa akin ni tita ang maleta niya at may bit-bit pa akong dalawang malaking bag na nakasabit sa magkabilang balikat ko.

Bago nga pala ako umalis binigyan ako ni tita ng 20k panggastos ko daw, hindi ko nga sana tatanggapin dahil sobra-sobra na ang binigay sa akin ni tita. Kaso sadyang makulit si tita kaya tinanggap ko kahit labag sa kalooban ko. Hindi naman ganong kayaman sila tita, may kaya lang sila. Si tito ang manager sa isang kompanya ng airlines at si tita naman nakapagpundar siya ng sarili niyang jewelry shop. Proud ako sakanila ng sobra kaya mamimiss ko ang mga tinuring kong totoong pamilya.

Ulila na pala ako, ang kwento sa akin ni tita umuulan daw non at may narinig daw silang umiiyak sa labas ng bahay nila kaya tinignan daw nila kung ano yun at nakita daw nila ako. Awang-awa daw sila sakin dahil basang-basa na ako ng ulan kaya kinupkop na nila ako. Bata palang ako sinasabi na iyon ni tita sa akin pero hindi nagbago ang tingin ko sakanila.

Nandito na nga pala ako sa bahay na inupahan ko. Malapit lang ito sa school na papasukan ko pagkatapos ng bakasyon. Mura na din ang upa ko dito, 500 a month. Kwarto lang siya, maliit nga lang sa kwarto ko kila tita. Peroo kasya na ito, kapag nakaluwag luwag na ako lilipat nalang ako sa mas kumportable na tirahan.

Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo.

Ako nga pala si Kayla Samantha Barcelona ang yaman ng apelyido ko no? Barcelona... kabaligtaran naman yun ng buhay ko ngayon.

Pero paano kung ang tahimik ko'ng buhay ay nagulo ng dahil sa isang tao?

Maibabalik ko pa kaya ang tahimik kong buhay?

O ang gumulo ng buhay ko ang magbibigay ng saya sa malungkot kong buhay ngayon?

Paano kung ang taong yun ay sira ang puso? or let's say, BROKEN HEART ang peg ni kuya!

Kaya ko kayang gamutin ang biyak na puso ni kuya?

At sa pagkakataong iyon, may binigay sa kanyang misyon.

Ano kaya ang misyon na yun?

Magagawa niya kaya ang misyon ng maayos?

May kasabihan kasi tayong...

The hardest thing in the world is to make a broken heart person fall inlove again.

ABANGAN......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and I (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon