ML o Gf
(♠️$H£|L@♠️)
itong tulang ito ay para sa mga babaeng hindi naging first priority ng kanilang boyfriend
itong tulang to ay para sa mga babaeng pinagpalit ng kanilang jowa dahil sa ml....sya yung unang nagpasaya sayu
sya yung unang kumukumpleto ng araw mo
sya yung unang libangan mo
sya yung unang
sya yung minahal mo bago ako
Ako?pangalawa lang ako para sau
nung naging tau ba, binitawan mo agad sya???
d ba hindi??
'mobile legend' dalawang salita pero ang laki ng epekto sa atin
isa lang yang online games na nilalaro ng mga kalalakihan maging mga kakababaihan rin
nakakaadik yan d man natin aminin
ung tipong Kapag nakapatay ka na ng isang kalaban
halos mapatalon ka nasa kinauupuan
yung tipong masira mo lang yung tore ng kalaban
mapapasigaw ka na lang ng 'victory' na naman
pero minsan naiinis ka kasi nadidefeat ka kung minsan
naglalaro ka araw araw gabi gabi kahit walang tulugan
para lang makaipon lang ng credit score yun yung dahilan
kahit na patong patong na yung eye bag mo wala kang pakialam
ipinagyayabang mo pa sa mga kaibigan muna may bagong hero ka na namn
wala kang pakialam kahit mapagalitan ka pa ng iyong magulang
kasi dun ka kasi sumasaya
kasi para sayo yun na yung buhay mo at wala nang iba
eh pano naman ako??
pano namn ako na gf mo??
yung tunay na nagmamahal sau
yung tunay na nagpapahalaga sau
nagtitiis na makihati sa oras mo
pinipilit kong maging matatag kahit na ikaw na mismo ang nagtutulak
sa akin na parang di na ako
at iyong tinatatak
sa isipan ko na parang wala na yung tayo
kasi ako yung nandito pero sya ung hinahanap mo
ginugugol mo ang buong oras at panahon
sa kanya mo lahat itinutuon
ang iyong atensyon
ikaw yung aking inspirasyon
pero bakit d ko madama na meron pa tayo ngayon??
gusto kong iayon lahat lahat ng nararamdaman ko
kaya ngayon pinipilit ko na maging matatag para sau
oo,
mahalaga ka sa akin alam mo yan
eh ako may halaga pa ba sayo??
eh baka mas mahalaga pa nga yung rank at kung ilang star ka sa laro mo
sa ml na yan dyan ako nasaktan
simpleng laro lang pero bakit ako naaapektuhan
na dyan mo ako pinagpapalit
ewan ko lang, ewan
gusto na kitang iwan pero bat di ko magawa
ayaw na ayaw ko yung gawin
pero bakit ba kailangan mo akong baliwalain??
sobrang sakit,ayokong isipin
lagi kong isinisiksik sa aking isip
dahil ako yung gf hindi yung ml
pero ang hirap talaga eh
ni hindi mo na nga ako nasasabihan ng mahal kita
at mismong yun d ko na madama
magaling ka lang pala sa una
pakitang tao mula umpisa
ano ba ang nagustuhan mo sa mobile legend na yan
si layla ba,si fanny,eudora o si mia
diba ang dami nila??
pero ako iisa ,pero d ko manlang madama
kahit konting pagmamahal mo, sa kin
ayokong isipin na hindi mo ako mahal
pero ang hirap itanggi dahil ramdam ko na hindi na ,matagal
ko nang kinikim kim ang lahat lahat,
d mo man lang ako mapahalagahan buhat sa simula
at ayoko nang lumala
moba dito ,moba doon, d ka na ba nagsawa sa kalalaro
d mo man lang naalala yung aking puso
d ko alam bakit pa ako patuloy na nagpapakatanga sayo
wala rin namn pala akong halaga sayo
sobrang sakit na d ko na kaya
durog na durog na
dahil ng basuka ni layla
tingnan mo alam ko na mga weapon
lagi mo na lang kasing sinisigaw maghapon
twing kachat mo ako nd mo magawang magback sa laro
baka daw kasi maubusan ng credit score
pero minsan ba naiisip mo
pag ako naubos ang pagmamahal ko sau makakayanan mo???
pero sa tingin ko oo,
kaya mong wala ako sa buhay mo
pero kahit anong gawin ko d kita maiwan
ganun kasi kita kamahal d kita mabitawan
oo mahal na mahal kita kahit sya ang mahal mo
kahit na sya ang nagpapasaya at bumubuo ng araw mo
kahit isang walang kwentang laro lang ang kahati ko
sayo,pero alam kong mas lamang sya
dahil alam kong sa umpisa pa lang ako ay talo na
pero parang sawang sawa na ako
sawang sawa na ako at sugat na sugat na ako sa pangatake mo
hindi ko na kasi alam kung ano para sau ang mas mahalaga
yung ml, na isa lang ordinaryong online game na tao lang ang may gawa,na kinaaadikan ng marami??
o
ako, na gf mo lang,na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sayo,at ikaw nagiisa ka lang sa puso ko???
pero d ko lang alam kung ganun parin matapos lahat ng nangyari sa atin
gusto na rin kitang limutin
ml o ako
yung ml na isa lang laro
o ako na isa lang tao na nagpapakatanga sau???
pero bago ka pumili may gusto lang akong hilingin
"bf, wag na ako"
wag na ako ang piliin mo
wag na ako d dahil d na kita mahal
wag na ako d dahil sa d ka na mahalaga sa akin
wag na ako d dahil ayoko na sau
wag na ako dahil ayaw ko nang maging second priority
ayaw ko nang may kahati sa bawat oras
at sawang sawa na rin akong lagi na lang ipinagpapabukas
ayaw ko na, kasi paulit ulit na lang kitang iniintindi
sa bawat araw lagi akong naririndi
sa volume ng iyong cp
naririnig ko yung saya mo dahil sa laro hindi dahil sa akin
masakit mang isipin pero kailangan ko na talagang tanggapin
ayoko nang maging panggulo ng buhay mo na para bang ako yung nakikihati sayo
ayoko na!
kung d ako bibitaw ngayon sayo baka matripple kill na namn yung puso ko ,baka masavage ng dahil sau
ayoko nang ma slain ng dahil sayu dahil hating hati na ang puso ko sa mga weapon mo.
gusto ko na rin na magrequest nang back up ayaw ko na namn kasing maging luhaan
sawang sawa na ako na ikaw ay iyakan ng iyakan
dahil lang sa iisang dahilan
at sisihin ka sa paulit ulit na paraan
kung bakit kita gusto nang sukuan
bigla na lang naglaho lahat
wag ka nang magulat,kung
susuko na ako,dahil alam ko sa simula pa lang sya na lagi ang victory sa puso mo,
at ako defeat lagi sa tingin mo
malaya ka na
malaya ka na na maglaro ng mobile legend
kaysa namn ako ang paglaruan mo....😂😂
YOU ARE READING
SPOKEN WORD POETRY
Poetrymga hugot na may kasamang kasiyahan at kalungkutan na tunay na nangyayari at nangyari sa buhay ko ♠️$H£|L@♠️