CRUSH😂😂

19 1 0
                                    

CRUSH😂
(♠️$H£|L@♠️)To:Jasmine Miraples
Sa tula ko nais ipakita yung aking nararamdaman
D ko kasi maisabi sayo ng harap harapan
Pero sana kahit konting pagtingin lang ako ay iyong pagbigyan
Hindi ko malaman kung ano ba ito
Basta naramdaman ko na lang nung nakita kita ,oo
kakaibang tibok,nadama ng aking puso
pero bakit ba ganito
hindi tama naman yata tama ito
pero bakit ganun d ko man lang mapigilan ayoko na namn kasing maging luhaan
Gusto kong hulaan
Simple lang pala yun,ikaw ay aking hinahangaan
Hindi namn masama yun diba
Depende lang kung ano yung iisipin ng iba
Magisip muna sila at maghanap ng pruweba
Ayoko kasing makipagkumpetensya
sa kanya
Pano ko siya makukuha
eh ni hindi nga nya ako kilala
Hindi na ako umaasa
Kasi meron nang sila
Wala akong karapatan na masaktan twing sila ay nakikita
Kasi wala lang namn ako sa kanya di ba
wala akong karapatan sa lahat
Pamula simula buhat
ng makilala kita
Gumawa ako ng paraan para malaman mo na crush kita
Kasi parang sasabog na
Nagpadala ako ng sulat,sayo
at kinabahan namn ako nung  natanggap mo
At labis naman akong natuwa kasi ipinagtanong mo kung sino ako
At itinabi mo ung sulat ,sa pagaakala ko itatapon mo
Labis na hiya,kaba ,takot naghalo halo
sa aking dibdib,lalo na nung nalaman mo na kung sino ako
Nagashume ako na baka pag nakita mo ako magkaroon ako nagpuwang dyan sa puso mo
hindi yun mangyayari pero
umaasa ako
na baka malay mo
magustuhan mo rin ako
tuwing titingin ako ,nahuhuli kita
natingin ka rin sa kin diba
pero malay ko na masyado lang akong ashumera
Baka kasi may tao pang nasa likod ko diba
mahilig akong magpatawa
mahilig magpasaya ng iba,
at magpakita sa kanila na ako'y masaya
Ayokong itago nararamdaman ko
pero yun yung totoo
masaya ako pag nakikita kita
pero malungkot ako kapag nakikita kitang kasama mo sya
Pilit kong sinisiksik sa isip ko na wala akong karapatan na magselos
kasi wala lang ako sayo
Wala akong karapatan sayo ,oo
nasasaktan ako kahit ako isang tuldok lang sayo
Alam kong pagkacrush lang ito sayo
pero alam kong titindi pa ito
titindi pa itong nararamdaman ko sayo
baka mahalin na kita
pero hangga't maaga pa
pipigilan ko tong aking nadarama
kasi alam kong masasaktan ako kung patuloy lang akong aasa
sayo,oo,totoo hindi na ako nagbibiro
kahit na bato yang iyong puso
pilit ko pa rin pipigilan yung nararamdaman ko para sau
dahil ako rin namn makakatulong sa sarili ko
para d ako masaktan
pero kung ikaw rin namn magiging dahilan.
wala rin namn akong magagawa
D kasi agad ako gumawa ng paraan
para ikaw ay makalimutan ng tuluyan
pero bago ko tapusin itong tula
nakalimutan kong sabihin na para nga pala sayo ito kaya ko nagawa
naging CRUSH kita dahil sa taglay mong kabaitan
naging CRUSH kita dahil na rin sa iyobg kagwapuhan😊
naging CRUSH kita dahil ikaw yung isang  lalaking nakilala ko na gentleman
Sige na paalam na CRUSH👋
yun lang namn yung gustong sabihin sayo
Kahit d mo ako magustuhan okay lang
dahil ako lang namn ang may kagustuhan na ikaw ay gustuhin....😂😂😊

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now