Bus

27 0 0
                                    

-------

Linggo nun at papunta akong Ayala.Sumakay ako ng bus nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ng bintana.

Nang makaupo ako  sa bandang likod ng  ikatlong upuan mula sa kinauupuan niya.

Makalipas ang 15 minutes napansin ko yung babae na nakaupo sa harapan ko na natutulog at nakahiga ang ulo sa bintana kaya sinilip ko yung babae kung bakit ganun ang posisyon niya pero pagsilip ko iba ang nakita ko kundi yung mga mata nung lalaki na sakto namang nakatingin sa may bintana na napatingin sa akin kaya naman umiwas kaagad ako ng tingin pero bago yun nakita ko ang pagngiti niya. Hinayaan ko lang

Normal naman ang nangyari sa buhay ko hanggang pagkauwi.Nagbukas ako ng Facebook account at walang anumang notifications or kahit na ano.One word to perfectly word describe my social life-BORING

Ang DP ko kailanman di umabot ng 100+ likes di katulad ng iba na kahit selfie sa CR e umaabot na ng 100 likes, mga status ko pinakamadami na ang 10 likes di katulad sa iba na mah status lang ng JGH e umaabot na ng 60+ Likes kaya nag new tab ako

Nang may biglang nag pop at may nagchat sa akin..di ko pinansin nang matapos ang pagbisita ko sa twitter account e binalikan ko yung FB

Hi

luh..di ko kilala kung sino tong nagchachat sa akin kaya sineenzoned ko lang

Awts<\3 seen

sabi niya pa ulit kaya naman naweirdohan ako kaya tinignan ko yung fb profile niya

Hindi siya yung nasa dp niya kundi anime pero umabot na agad ng 155 likes.Cover photo niya na kulay itim lang umabot na ng 67 likes..wala siyang masyadong posts pero puro Thanks sa accept ganun. May bigla nanamang nag pop at friend request nanaman at sa kanya galing

Medyo na creep out ako na ewan so nakita ko yung iba niyang fb profile picture yung iba nakakatakot kasi mga demented faces ganun kaya nahiwagaan talaga ako sa kanya

Lumipas yung maraming araw,linggo at buwan may bago akong raket na pinasok sa may Makati lang din bandang Greenbelt.Swerte at may kakilala ako kaya mabilis akong nakapasok sa isang mamahaling restaurant na katulad nito.

Syempre puro sossy,mayaman,mga english speaking ang customers.Yung ultimo nasa siyudad akala mo sa beach papunta samantala, yung iba akala mo saan aattend ng formal dinner at halos naka gown na siguro ganun lang talaga ang fashion ng mayayaman.

Hanggang sa isang araw may dumating na customer pero nasa may locker ako nun pero rinig ko ang hagikhikan ng mga co-workers ko na babae sa labas tas may narinig rin akong bulungan sa may bandang pinto

*insert kinikilig tone*

"Siya yun diba?Yung Sir Dave"

"Oo!Siya yung kwinekwento ko sayo kagabi na pogi hihihi"

Binalewala ko yung narinig ko at lumabas na ng locker pagkatapos ko malagay yung gamit ko at tsaka dumiretso na sa trabaho,waitress

Pumunta ako dun sa isang bagong dating na customers at tsaka kinuha orders nila nang marinig ko ang isang lalaki sa likod

"Sir may I take your order" rinig kong sabi nung isa kong kasamahan

"I will not order anything unless she'll be the one to get my order" rinig kong sabi ng isang lalaking customer kaya naman napataas ako ng kilay at napatingin at sakto sa akin siya nakatingin with matchubg smirk pa

Matapos yun araw-araw siya kumakain sa restaurant at hinihintay matapos ang duty ko nakakainis nga e kasi ang kulit niya.Pinipilit niya akong iaccept FR niya sa FB e siya lang naman FC samin.Isang buwan din yun

Isang araw hindi siya pumunta sa restaurant medyo nanibago ako pero tinake ko yun as positive kasi sa wakas walang maingay,mangungulit at mangugulo sa buhay kong payapa

Akala ko OK na pero akala ko lang pala dahil paguwi ko nakita ko siya sa loob ng sala kausap lola ko na kasama ko sa bahay at may dala pang pagkain at ang laki-laki ng ngiti

At wala akong magawa lumipas ulit ang isang buwan at lagi siyang dumadalaw sa bahay at close na close na sila ni lola kaya naging kumportable na ako sa kanya dahil mabait din naman pala siya at hindi siya katulad ng iba na mayabang dahil mayaman siya

Hanggang sa tinanong niya ako kung kami na ba daw pero sabi ko hindi ka pa nga nanliligaw

at niligawan niya ako ng 1 year.Oo 1 year hanggang sa naging kami and now we're happily married with 2 children

-Lucy, 2011

The Fault in our SPARKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon