Sumakay ako ng bus..may quiz kasi kami nun sa isang subject kaya binasa ko yung notes ko habang nasa biyahe at nung bayaran na
dahil estudyante ako may discount at nung nagbayad na ako
"Kuya..estudyante po" sabay abot ka ng bayad ko
kuya "Patingin ng ID kung estudyante ka talaga"
takte lang..e hindi ko kasi hilig suotin yung ID ko at nasa kasulok sulukan pa ng bag ko yung ID kaya kinalkal ko pa.
Di ba obvious? naka uniform ako,may librong dala,may backpack at may notebook pang dala-dala at nagaaral pa ako habang nasa biyahe..di pa ba ako mukhang estudyante?
Parang sa pag-ibig lang Ipinapakita at sinabi mo na ngang mahal mo siya pero hindi parin siya naniniwala.
EstudyanteProblems
2014