Chapter 5: The Band

197 16 0
                                    

[A/N: Ken and Axel is on the right side :)]

Chapter 5 - The Band

Kyla's POV

"Huy Sabrina! Problema mo?" Napansin ko ang nakasimangot na Sabrina at parang may malalim na iniisip. Nakatingin nanaman siya sa kalangitan. Nandito nga pala siya sa apartment namin ng mga girls. Dito kami matutulog sa ngayon dahil sabi ni sabrina, ayaw nya muna sa bahay nila dahil boring daw.

Umiling lang siya bilang sagot. Kilala ko sya, dahil kaibigan ko sya. Alam kong may problema yan, hindi naman kasi yan titingin sa kalangitan kung wala yang problema, at hyper din yan kung masaya talaga sya.

"Ano nga? Sab, kilala kita. Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi."

"N-nakita k-ko si N-nathan.." Napaubo ako sa gulat ng sinabi nya yon. Si nathan kasi ang bestfriend nya na matagal na nyang hinahanap. Bigla kasi itong nawala, at wala ding may alam kung saan sya nagpunta. Tila parang nawalan sa sarili noon si Sabrina. Si Nathan lang kasi ang lalaking nakakaintindi sakanya. Mabait na tao si Nathan, parang kapatid na ang turingan nila ni Sabrina.

"SI NATHAN?!" Pasigaw kong tanong sakanya. Tumango nalang sya. Kababata rin namin kasi si Nathan. At kilalang kilala na namin siya pero si Sabrina talaga ang pinaka close nya samin. "Alam mo ba kung kailan pa sya naging gangster?" Mahinahon nyang tanong sakin. Nagulat naman ako kaya napaubo ako "S-si Nathan!? G-gang...ster?!" Gulat kong tinanong. Eh sa pagkakaalam ko kasi ay mabait yun. Kaya imposibleng maging gangster yun.

"I don't know, pero mukha na syang gangster e. Ibang iba narin sa nakilala ko dati." At napaluha sya. Sa totoo lang, ang OA para sakin. Pero alam ko naman na miss nya lang talaga ang tinuring nyang kuya.

"Ohh, don't cry. Nakausap mo ba sya?" Umiling lang sya. "Tumakbo agad sya nung araw na yon. Tinakbuhan nya lang ako.." Malungkot na sinabi nya, and again napaubo ulit ako sa gulat dahil biglang may nagring ang phone ko. Bago ko sagutin ay sumigaw muna si Sabrina "hoy ubo ka ng ubo! Uminom ka nga ng gamot! Malala na yan ha" natawa naman ako sa sinabi ni sabrina sabay sinagot ko na yung tawag.

"OH PROBLEMA?" Pasigaw kong bati sa tumawag.

(Haha! Di ka parin talaga nagbabago Kyla. Ganyan parin ang bati mo..) at narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.

"SINO TO?" Pasigaw ko nanaman tanong.

(Hindi mo na ba ko nakikilala? It's Nathan. At tigilan mo nga ang pagsisigaw! Ang sakit sa tenga a. Grabe, nakakatampo naman at hindi mo na kilala ang maganda kong boses.)

Nanlaki ang mata ko at agad itong binigay kay sabrina.

"H-hello?"

(Yaay! SABRINAAA!! Sorry pala last night at tinakbuhan kita. Sobrang kinabahan lang talaga ako ng makita kita. Sorry talagaa!) nakaloudspeaker kasi yung phone ko kaya rinig ko ang sinasabi ni Nathan. Mukhang ang hyper nya ngayon.

"Heh! Tigil tigilan mo 'ko ha! May kasalanan ka pa sakin."

(HALAAA! ANONG KASALANAN KOO? Huhuhu! SORRRYYYY SABRINA KUNG ANO MAN YUUN!)

Natatawa ako sa reaksyon ni Nathan, mukha syang bata na ewan. Pati si Sabrina ay natawa narin.

"Haha! Ano ka ba! Tumigil ka nga! Para kang bata. Di ka naman mabiro eh!" At ayun tawa na ng tawa si Sabrina. Eh parang kanina lang eh nagdadrama lang yan. Nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pinto at linuwa ang dalawang babae na si Alexa at Shiela. "HEEY GUUYS!" Masayang bati nilang dalawa. "Later pala ay may band tayo. At 3:20 pm sa Bar nila Manager Lee." Sabi ni Alexa. Pagtapos nun ay nagkwentuhan na kami at syempre andun parin si Nathan. Parang kasama narin namin siya kasi lumipat kami sa skype. At kitang kita namin na ang saya saya nya. Naalala ko nung mga bata pa kaming lima, lagi kaming naglalaro at nagkakatuwaan. Nakakamiss lang kasi ang bilis ng panahon at 4th year na agad kami. Parang kailan lang eh..

--- BAR ---

Nagkita kita kami nila Nathan sa bar kung saan kaming mga girls mag babanda. Masaya kaming nag kekwentuhan muna habang hindi pa kami nagsisimula.

"Excuse girls, may ipapakilala pala ako sainyo na makakasama nyo sa banda. Parang kahati ba sa oras ganun. Parating na sila, saglit nalang" at umalis na si Manager Lee. Kilalang kilala na kami ni Manager dahil halos naging tambayan narin namin to noon pa. Mabait si Manager Lee at mukhang batang bata pa ang itsura.

Magc'cr sana ako ng may nakasalubungan akong apat na lalaki. Familiar kasi sakin kaya napatigil ako sa pag lalakad. At hindi ako maaaring magkamali na si Ken ito. Kinusot ko ang mata ko at tama nga ang hinala ko na si Ken nga ito. Nagulat din siya ng makita nya ako.

"Hey~ IKAW?!" Sabay kaming napasigaw dahil sa gulat.

"Anong ginagawa mo dito?!" For the second time, sabay nanaman kami.

"Tsk! Kasi po dito po ako nagbabanda! -.-" Sabi ko sakanya at inirapan.

Biglang dumating si Manager Lee na may nalapad na ngiti. "Oh, nagkita na pala kayo. By the way, kyla. Sila pala yung Boy band na sinasabi ko sainyo." Nalaki ang mga mata ko ng malaman ko iyon. No way! Hindi pwede to! Maya maya ay nagsidatingan na ang ibang girls.

"Hey~ I know you!" Kunot noong sabi ni sabrina sabay turo kay Axel. Nagsimula na ang sigawan sa pagitan ng girls at boys. Di parin maintindihan ni Manager Lee ang nangyayari sa amin.

"STOP!" Hindi na napigilan ni Manager kaya napasigaw na sya ng di oras. Hinawakan nya ang ulo nya at yumuko.

~~~*

[A/N: sarreh~ matagal ang update ko at bitin ulit! Haha. Sana po buhay pa ang mga readers ko! Thank you pala. ^^]

Girls vs. BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon