Chanzie's POV
Pagkatapos ng nangyari sa comfort room ng mga girls umalis na ako doon at saktong nagbell na at hinanap ko na kung na saan ang pangalan ko ,Grade10 Capricorn Section A1 . Aba tinde hanggang section 44 to tapos nasa section 1 ako HAHAHA!patawa! Bale ang nakasulat dun sa nakita ko ay 60 kami sa klase. Sobrang dami, pero hindi na ako nagtaka yung iba nga eh 80 sila sa isang room. Malawak naman kasi ang mga rooms dito kaya nagkakasya ang mga studyante sa katunayan nga eh madami pang space.
Pumasok na agad ako sa room ko daw.
"Kyaaaaaaaaaaaaaah! Artista ba to?"
"Why so handsome?"
"Ang gwapoooooooooo"
"Kyaaaaah! Anakan mo ko bente! Woaaaaaah!"
Tsk! Yan na naman narinig ko. Sanay na 'ko dyan. Nakakarindi na nga rin minsan pakinggan yan eh. Tsk! Nang medyo malapit na ako sa mga upuan. Agad namang nagpakilala yung nasa harapan sa'kin.
"Hi! I'm Karl" saad nitong lalaki sa harapan ko.
"Hey! I'm Chanzie Kyrie but you can call me Chan if you want"
"Ow! Nice to meet you brad!"
Karl's said at inilahad nya ang kamay nya and we do shakehands"Hi ako naman si Jenny! Transferee ka? Kung gusto mo dito ka na lang maupo sa tabi namin?" Ay aba't mababait pala ang tao rito ah mukang hospitable ba yun? Basta parang ganun sila. Hmmmm....
"Hello! I'm Chanzie! Sa next question mo yes. I'm a transferee and sa last doon na lang siguro ako" pagturo ko sa upuan malapit sa aircon
May mga sumunod pang nagpakilala sa akin hanggang sa matapos na sila sa pagpapakilala.
Sa pangalawang row ako umupo, gaya ng sabi ko tabi ng aircon eh. Hahahaha! Hindi naman sa innocent ako sa aircon dahil may ganyan rin kami sa bahay gusto ko lang talaga maupo dito eh.
Yung ibang new classmates ko nginingitian ako at ganun din ang ginawa ko sa kanila. Well napagdesisyonan ko nang itigil ko na ang pagkacold ko sa mga tao at hihinto na rin ako sa pambubully and yung kanina? Eh sorry naman, nagawa ko na eh but I tell you hindi ko na uulitin.