Mike'S POV
Hi guys! Ako nga pala si Mike Shiver Padilla your Poging soon to be boyfriend(kindat). Pinsan ko nga pala si Daniel Padilla. Hahaha! Syempre joke lang. By the way guys papunta na pala kami ngayon sa canteen.
Maikwento ko lang grabe na talaga tong si Chanzie na 'to. Aba'y tinutoo na ata nya yung sinabi nyang "magbabago na ako mga ugok!"yan kasi yung huling sinabi nya sa amin bago sya pumunta sa Korea.
Ilang years din kaming hindi nagkita ng best buddy naming 'to. Nakakamiss din pala,parang gusto ko na agad gawin yung ginagawa namin dati(Iww... mukang baklang ewan na 'to).
"Dude yun oh!"naku! Si Jhon pala,tinuturo ang maswerteng pagtitripan namin ngayon. Actually yan naman ang mastermind ng gagawin namin ngayon eh. Ayaw ko sana kaso mukang masaya. HAHAHA!
"Lezgo guys! Simulan na natin ang sayahan! Woaaaah!" Sabi ni jhon at itinulak na yung door at pumasok ganun rin ang ginawa namin.
"Yow! Ayun dude oh. Yang mahaba ang buhok. Kunin mo yung bote ng ketchup Mike. Dali" 'no ba namang mokong na 'to utusan ba naman ako. Tsk!
"Oh"abot ko sa ketchup sakanya. Pansin ko lang walang imik itong si Chanzie at parang tulala. Gulatin ko kaya? Good idea pogingMike(kindat)
"YOW!"Sabi ko dito sabay yugyog sa balikat nya and YES! Nagulat nga sya.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawa ko
"Mukha mo dude! HAHAHAH!" Dagdag ko pa. Hahahaha! Epic ang mukha ng hutek!
"Lokong 'to! Ako ba naman ang pagtripan." Sabi nito at nakitawa na din.
"Anyare sayo dude? Muka kang ewan sa mukha mo! Nakatulala ka dyan?"
"Eh...wala!" Sagot nya sa akin. Hahaha! Ang mokong parang may tinatago ah. Malalaman ko rin yan dude! Not now but maybe sooner or later.(smirk)
"Sows..." magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita si Jhon
"Tama na yan mga dude! Come here! Bilis!" sabi nito at mukhang atat na atat na
"Lokong Jhon ka! Di man lang makapaghintay. Kinakausap ko pa tong monggoloid nating kaibigan eh. Haha!" Pagtukoy ko kay Chanzie.