Chapter 2: viral video

5 0 0
                                    

Hazelle Buenaventura.


Lutang ako habang naglalakad ako sa hallway dahil nga sa nangyari kanina. Pabugbog ko sya kay berna e huhuhu! Baliw na lalake. Ang kapal ng mukha nyang halikan ang precious lips ko! Nakakainis talaga.

"Sya yung girl sa viral video diba?" Napahinto ako ng napagtanto kona pinaguusapan na pala ako ng mga tao. Whaaaaah nakakahiya! First day ko palang dito ako agad ang usap usapan! Kasalanan yun ng mayabang na lalakeng yun e kung di nya sana ginawa yun edi sana tahimik pa yung buhay ko!

"Oo nga. Kasi sya lang yung may lakas ng loob sagutin ng ganun si hero!" Maarteng sagot nung isang babae habang nakatingin saakin.

So hero pala ang pangalan nya? seryoso? hero talaga? E sya nga yung bwisit sa buhay ko e!

"Ang landi ni ate girl! Feel na feel naman nyang hinalikan talaga sya ni hero ko!" Anudaw? Seryoso ba sila? ako ba tinutukoy nila? Wow ah feel na feel ko daw yung paghalik saakin nung hero daw yun e gusto ko ngang abangan yung hayop nayun at sapakin ng paulit ulit sa labas e! Kung hindi lang talaga sya nakakatakot ginawa kona yun --___--

"Ang landi ni ate girl! Feel na feel naman nyang hinalikan talaga sya ni hero ko!"

Anak ng tokwa! Bakit ba ako pa yung lumalabas na malandi? Ako na nga yung nainsulto e tapos yung hayop pa na hero nayun yung nagmukhang tama! Porket gwapo lang sya sa paningin ng mga babae dyan sya na yung pinagtatanggol! Paano nalang yung kaming cute lang? Hehez.

pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa room 404 na magiging classroom ko daw sabi ni kuya gab." sana eto nayun ayaw kong mapahiya! Relax hazelle wag ka munang magisip ng mga negative, kailangan mo munang kalimutan ang bakulaw na humalik sayo wag ka munang magisip ng kung ano ano relax kalang. Enhale exhale again enhale exhale ugh."

Pagdilat ko ng mata ko muntik nakong mapatalon sa gulat ng makita ang isang gwapong lalakeng nasa harap ko ngayon at kung makatitig wag. Shet na malagkit! Narinig nya kaya yung mga sinabi ko? Nakakahiya hehe.

"K-kanina kapa ba dyan?" Nahihiya kong tanong.

"hindi naman masyado." Sagot nya. Shete ang gwapo naman neto matangkad, maputi, medyo chinito, red lips, husky voice,ang ganda ng kilay nya kahit makapal na mas bumagay pa sakanya, ang ganda rin ng mata nya in short mukha syang perpekto.

"Ah edi wala kang narinig?" Nahihiya pako masyado at eto talaga yun e muntik pakong maglaway sa itsura neto! nakakainlab mga beshy. Tas nakakahiya pa yung itsura ko ngayon ni hindi ko nga alam kung may muta bako o wala e huhu.

"Meron." Grabe ang kuripot nyang sumagot ah parang si hero bakulaw lang! Cold nya ring sumagot. Mabait kaya sya? Sayang crush kona sana sya e kaso cold huehuehue.

Magsasalita pa sana ko ng biglang may kumalabit saaking babae. Sino kaya sya? "Ikaw ba si Ms. Buenaventure, hazelle?"

"Ah opo bakit po?" Medyo matanda sya saakin ng 10 years mukha kasing bata pa e.

"Ahm I'm professor clara montero, your new adviser this year. So ikaw yung bagong transfer dito sa S.U?" Tanong nya. Whut? Professor bakit di halata? Mukhang isa nga lang din sya sa mga estudyante dito e.

"Ahmm nice t-to meet you po professor Clara." Grabe nakakahiya ah. Nakipagshake hands ako sakanya.

Pagpasok namin sa loob ng room ay natahimik lahat ng mga magiging kaklase ko at napaupo ng maayos sakanilang upuan. Yung mga lalake todo pacute sa teacher nila samantala yung mga babae parang naiinip lang. "So class sya si hazelle, ang bagong transfer dito sa S.U, Ms. hazelle introduce yourself."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We are detectiveWhere stories live. Discover now