One-shot

43 1 0
                                    

"Sheena, hindi mo naman kailangan umalis ng bansa para tuparin ang mga pangarap mo. 99, kulang ng isa para 100. Paano na ako? Paano na tayo?"

"Bakit Cyd? Ano ba kita? Ano ba tayo?"

Ang tatlong tanong na yon ang nakapagpatahimik sa kanya. Buo na ang pasya ko, aalis ako ng bansa. Oo makasarili nga siguro ako, pero eto na yung opportunity, iga-grab ko na lang. Magpapapigil pa ba ako dahil lang sa nililigawan niya ako?

Nagsimula akong maglakad hila-hila ang malaking luggage ko.

"Sige subukan mong lumabas ng pintong yan, pagbalik mo wala ka ng babalikan."

Lumingon ako sakanya atsaka tumawa ng sarkastiko, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaalis na ako.

Tumuloy ako sa NYC, maging isang tanyag na photographer ang pangarap ko. Pinag-aral ako ni tito, maayos naman noong una. Ngunit bumagsak ang kumpanya niya, kinailangan kong magself-support. Namasukan ako ng trabaho, ilang taon nalang naman ga-graduate na ako.

Natiis ko ang lahat ng hirap,pagod at puyat. Makalipas ang ilang tao naging isang sikat na photographer nga ako, may sarili na akong studio at malaki ang kinikita ko pero parang may kulang pa rin. Naalala ko nanaman si Cydric, ang masugid kong manliligaw noong highschool. Childhood friends kami, mga bata palang kami noong sabihin namin sa sa isa't-isa na magpapakasal kami. Napagpasiyahan kong umuwi ng pinas, baka sakali. Baka sakaling pagbalik ko, ako pa rin ang mahal niya.

"Sheen!" - sigaw sa akin ng bestfriend kong si Natalie. Sinundo niya ako airport.

"Natalie!"- isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa akin.

Nagsimula ang friendship namin noong grade 6 kami. Lagi siyang binubully noon, napakabait niya kaya hindi siya lumalaban. Ako ang nagtatanggol parati sakanya.

"So how's your flight? Grabe beshy! Ilang taon din tayong nagtiis na videocalls lang ang communication. Nako hindi na talaga ako papayag na umalis ka."- nakangiti niyang sinabi sa akin.

Wala namang nagbago sa akin, bukod sa buhay ko. Cold pa rin ako kung ituring, pero hindi sa bestfriend kong ito.

"Okay naman, medyo may jetlag. Tara kain tayo sa favorite resto natin."- pag aaya ko sakanya habang inilalagay sa sasakyan ang luggage ko.

"Natalie, si- ..." - hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Cydric?" - pagtatanong niya ngunit nanatili lang akong nakatingin sakanya.

"Ayon okay naman siya, hindi kana rin niya nababanggit. Siguro kasi matagal na."

Sabi ko nga baka sakali, hindi naman ako umaasa na ako pa rin ang mahal niya.

Lumipas ang mga araw, ngunit walang Cydric na dumarating. Walang Cydric na nakakasalubong ko sa daan. Wala na yung Cydric na nangungulit. Oo, nakakamiss pero hindi naman ako nagsisisi. Baka hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

*Kriiiiing kriiiiiing!*
Tumayo ako at ini-off ang nagwawalang alarm clock ko. At saka tumingin dito.

"Shocks! Late na ako!"- dali-dali akong pumunta ng banyo para maligo. Nagbihis na ako at kinuha ang lahat ng gamit ko. Sumakay ako sa fortuner na pinaghirapan ko at saka nagmaneho papuntang park.

Patakbo akong nagtungo sa park dala-dala ang mga gamit ko at sa sobrang bilis ko'y hindi ko na namalayan na may nakabangga na pala ako.

*Booooogsh!*

"Sorry miss." - sabi saakin ng lalaki sa harapan ko, hindi ko siya nakikita dahil kinukuha ko ang mga gamit na nalaglag.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at saka ko lang narealize kung sino ang taong nasa harapan ko.

Baka Sakali (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon