Simula Na

1.2K 16 1
                                    

Aki's POV

Minanmanan ko ang buong paligid at nakita ko ang panaka nakang pagsulpot ng iilang mga kakampi ng pamilyang buenivito, afterall this is their chamber. Pero hanggang ngayon ay di parin maalis sa isip ko ang tungkol sa mga litrato at kay angel. 

"aki, when will we start the plan?" napatingin ako sa orasan na nasa gitna ng malaking mansyon na ito.

"once the clock rings" napatingin silang lahat sa orasan pero nadako ang tingin ko kay sunshine na kakatapos lang makipag-usap sa mag-asawang makikitaan mo ng karangyaan. And just like what i did, she looked at me and when she saw me looking at her, she puts that annoying smile.

"they're in their positions already, waiting for your signal aki"

tumango lang ako at agad na tumayo dahil gusto ko ulit tumingin sa buong bahay nila. I sensed the reactions of my friends and the alarmed reactions of sunshine's people, iba pala talaga ang epekto ko sakanila huh? ngumisi ako at dumiretso kung saan naroroon ang pinsan ko. 

"nasaan ang comfort room dito?" 

"dumiretso ka lang at lumiko ka sa kanang bahagi, pagkaliko mo ay dumiretso ka lang hanggang sa may makita kang pintuan, itulak mo yun at may makikita kang dalawang daan, doon ka sa kaliwa dumiretso" tatawa na sana ako dahil alam kong hindi naroroon ang hinahanap ko pero halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng nilabas niya ang napaka-pamilyar na kwintas saakin. 

"tunay na naroon ang iyong hinahanap" nagkatinginan kami at nakita ko ang pagkakaroon ng emosyon sa kanyang mga mata pero daglian lang iyun at umiwas na din siya agad ng tingin.

katulad ng sinabi niya ay agad akong umalis at dumiretso sa sinasabi niyang lugar, kataka taka na walang nagbabantay sa daanang binanggit niya saakin bagaman alam kong may mga cctv na naroroon. Nasa dulong pasilyo na ako ng may naramdaman akong kung sino sa likuran ko.

"it's nice to see you here miss blanco" napatingin ako sa likuran ko at nakitang naroroon si Erebia, ang pinsan ni pierce na umalis sa famiglia namin.

"chastity, what are you doing here?"

"your cousin told me to be here once i saw you heading here" bahagya siyang yumuko at isenenyas kong itigil na muna ang pagbibigay ng respeto saakin.

"naniniwala ka bang wala na sina pierce?"

"hindi, i know for sure that they are still alive and waiting for us to start the game"

"the real thing" tumango muli siya saakin atsaka na namin diniretso ang huling pasilyo na sinabi saakin ng pinsan, pagkapasok palang namin ay halos magulat ako nung kwarto pala iyun kung saan mo makikita ang bahay naming magkakaibigan na minamanmanan gamit ang silid na ito. 

lumapit ako roon at agad na tinignan ang bawat paggalaw ng naroroon, sa bahay ko man, o sa bahay ng mga kaibigan ko. Naupo ako sa swivel chair at pinagmasdan ang bawat paggalaw at ng may napansin ako ay napahalakhak nalang ako at napailing sa huli, maya maya lang ay naramdaman ko ang tensyon sa loob ng kwarto ng pumwesto si erebia sa likuran ko at biglang bumukas ang kwarto at nakita namin si angel na naghihingalo.

"magsisimula na ang laro" tumayo ako sa aking kinauupuan at tinignan ng maigi ang paborito kong pinsan dati..........at maaaring hanggang ngayon.

"bakit mo ito ginagawa? dahil ba sa kasalana----"

"this is not because of that felicity......"

"kung gayon, bakit?" ilang minuto bago siya diretsong tumingin mula saakin at ngumisi na tila nanunuya, ang ngising nakapagpabalik saakin mula sa nakaraan......

The Silent Mafia BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon