IYONG TAGAHANGA

8 1 0
                                    


Gusto kong tumawa kasama ka
Gusto kong kumain kasama ka
Gusto kong libutin ang mundo ng kasama,
sa madaling salita gusto kong maging akin ka,
Pero alam kong hindi mangyayari yun dahil nasa taas ka at nasa baba lang ako,
Alam kong hindi mangyayari yun dahil sikat ka at basura lang ako.
Masakit mang isipin pero yun ang totoo..
Masakit isipin na hindi ako ang babaeng para sayo,
Masakit isipin na hindi ako ang bubuo ng buhay mo..
Masakit isipin na hindi ako at kailanman ay hindi magiging ako ang mamahalin mo.
At ang mas masakit ay yung minahal kita kahit sa litrato lang kita nakita.
Kahit sa cellphone ko lang naririnig ang iyong tawa,
at kahit sa computer ko lang napanood kung paano ka makisalamuha sa iba.
Pero kahit sa litrato lang kita nakita ang pagmamahal ko sayo ay hindi mahihigitan ng iba,
kahit sa cellphone lang kita naririnig,
ang tawa mo parin ang hinahanap-hanap ng aking tenga.
Pero alam kong hinding hindi ka magiging akin,
kaya itong pagmamahal ko ay ibubuhos ko na lang sa pagsuporta sayo kung saan ka masaya.
Salamat...salamat dahil iniligtas mo ako sa dagat ng kalungkutan,
salamat dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko..at haggang dito na lang talaga,
ako ito ang iyong tagahanga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon