Chapter 3

16 2 0
                                    


Lyndon's POV~

Hi ako nga pala si Lyndon Kane Lemmor, 18 years old. Medyo maputi, matangkad messy hair lagi yung parang sa mga anime tapos may hiwa sa gitna yung kilay ko kaya akala ng iba may prat ako or what.

Di naman ako ganon ka gwapo pero madaming patay na patay saken haha self compliment lang po pagbigyan nyo na. Yung pormahan ko palagi ay pang bad boy pero ang totoo mabait ako. Naka bukas lagi yung isang butones ng uniform ko sa taas at yung bag ko ay shoulder bag yung parang pang lawyer then black pants at black shoes.

Nasa room kami ng tropa ko habang nagtatawanan. Nakita ko si margaret na papasok kaya nilakasan ko yung pagtawa ko na nakaagaw naman ng atensyon nya. Napatingin sya saken sabay irap.

Don't do that to me margaret. It makes me flattered! "Gago ka ba self? Flattered ka dyan!" Hayst aaminin ko maganda si margaret, maputi, sexy, matalino kaso nga lang bully sya. Binubully nya ako. Halimaw sya. Siguro pinag lihi sya sa monsters.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tulala sa gilid ng desk ko. Wala kaming teacher ngayon kaya kanya kanyang mundo yung mga classmates ko. Di pa rin ako maka get over sa nangyare kagabi kaya bigla bigla nalang ako napapangiti. I remember the scent of her shampoo, ang sarap amuyin. Naalala ko din yung amoy nung pabango nya. Grabe nakaka adik.

Habang busy ako kakaisip kay margaret biglang may hinayupak na tumapik ng pagkalakas lakas sa balikat ko. "Ano na pre! Cut tayo?" Nakangiting yaya ni Kross saken para mag laro sa comshop. Tumango lang ako at kinuha na yung bag ko.

Palabas na kami ng pinto ni Kross at diko naiwasang tumingin sa kina uupuan ni margaret. Naka earphones lang sya habang nakasandal sa upuan nya at– "shiiiiit!" Diko napigilan yung bibig ko kaya napatakip ako ng maka bunggo ko yung teacher namin sa english. Natapon lang naman sakin yung hawak nyang kape kaya napamura ako ang init kaya.

Nag sorry si ma'am saken pero sabi ko okay lang. Matagal ng may gusto sakin to si ma'am kaya nakaagaw kami ng atensyon ng mga dumadaan sa hallway pati na din yung mga classmates namin na kanina ay may kanya kanyang mundo lang. Napalitan ng hiya yung ngiti ko nang makita kong nakatingin samin si margaret.

Kinuha ko yung panyo sa kamay ni ma'am at agad na nagmadali patungong cr. "pre hintay!" Rinig kong sigaw ni kross, diko na sya pinansin at nagtungo na sa cr.

"Shhit shit shit! Hayst ano ba donny kahihiyan nanaman yon! Nakita nya pa yon!" Inis kong sabi sa sarili ko habang inuumpog yung ulo sa ding ding ng cr.

Umuwi nako para makapagpalit ng damit at mamayang hapon nalang ako papasok ulit. Biglang tumunog yung phone ko at agad ko din itong sinagot, "uy pre san kana?! Papasok ka ba mamaya? Wala akong kasama don!" Tuloy tuloy na salita ni kross. "Para kang babae! Oo papasok ako. Nakakahiya talaga kanina!" Sabay nag hang up nako.

Ganon kami mag usap ng tropa ko. Kababata ko si kross kaya kahit sya lang yung kaibigan ko masaya nako.

1 O'clock na pala. Nagmadali kong sinuot yung uniform ko sabay takbo palabas ng apartment. Pumara kaagad ako ng taxi at pinabilisan ang pagmamaneho kay kuyang driver.

Malapit lang ang school sa apartment na tinutuluyan ko kaya nakarating nako dito agad. Habang tumatakbo sa hallway napatingin ako sa dalawang babae sa canteen. Si margaret at Arrieana. Napangiti ako at tumuloy na sa classroom.

Ilang minuto lang ay dumating na sila margaret at arrieana kasabay yung teacher namin sa Physics. Pansin kong sakanya lang nakikinig si margaret pero pag sa ibang subjects hindi. Siguro type nya si sir physics hahaha.

Daldal ng daldal si sir sa harap pero diko naman naiintindihan yung mga sinasabi nya kaya natulog nalang ako. Pero dahil excited ako sa second subject namin this afternoon advance akong nagising haha mga 10 minutes before.

"10, 9, 8, 7," sabay kaming nag cocountdown ni kross para sa second subject. "6, 5, 4, 3, 2, 1... Okay PE naaaaaaa!" Nagtayuan ang lahat at nagtungo na sa field.

Nakita ko si margaret at arrieana na nag uusap. "Tara na?" Yaya ni arrieana kay margaret pero pinauna na sya nito. Dalawa nalang kaming naiwan sa classroom kaya nilapitan ko sya.

"Marga–" diko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla syang tumayo at sinapol ng bag yung muka ko, "get out of my way!" sabay labas ng room. Hayst alam kong di magandang biro yon. Bat kasi naisipan ko pa yun eh.

Imbes na dumiretso sa field pumunta muna ako sa canteen, di ako nag eexpect na makikita ko si margaret dun pero sana nandun sya.

Nilibot ko yung paningin ko sa buong canteen pero wala sya, siguro nasa field na yon. Bumili ako ng gatorade dalawa dahil nararamdaman ko na ang presensya ni kross. "Oy pre ang bait mo naman ngayon" sabay kuha sa isang gatorade.

"Tara na?" Yaya ko sakanya at agad na nagtungo sa field. Nakita ko naman kaagad sa sulok sila arrieana at margaret.

"Ang cute talaga ng mga girls pag naka PE", sambit ni kross habang sinusundan ng tingin yung mga babaeng naglalaro ng volleyball.

Hindi pa din naalis yung tingin ko kay margaret. Wala akong gusto sakanya okay! Baka namimis understood nyo readers! Naguiguilty lang ako sa ginawa ko. Gusto kong mag sorry kahit alam kong walang magagawa yon. 

My enemy, My boss, My loverWhere stories live. Discover now