Kinabukasan, tinatamad akong pumasok dahil wala naman si ana at wala din akong kasama. Tinignan ko yung orasan ko at 6:30 palang naman. Nakahiga pa ko at gulo gulo yung buhok nang nag ring yung phone ko.
"Kriiing! Kriiing–" agad ko naman itong sinagot ng makitang si ana yung tumatawag.
"Hello bessyyy! Where are you now?" Excited na tanong ko,
"eto otw na sa batangas, ingat ka dyan huh. Nasa school ka na ba?" Tanong nya.
"Hindi tinatamad ako eh haha papalate nalang siguro ako." Pagkasabi ko non nagpaalam na sya at nag hang up.
Humiga ulit ako at napatayo naman ako sa gulat ng biglang may nag doorbell. Ilang segundo ko pang tinitigan yung pinto napapaisip din ako kung sino yon dahil di naman ako nag pa deliver ng pagkain, di din ako nag– naputol yung pag iisip ko ng mag doorbell ulit sya.
Agad kong inayos yung buhok ko at nagtungo sa pinto para buksan yon. Pag ka bukas ko hindi ko inaasahang may animal na nakakapasok sa apartment na to. Yeah tama yung hula nyo si kangaroo.
"Pano mo nalaman yung room number ko?" Tanong ko sakanya habang naka taas yung isang kilay. Tinawanan nya lang ako at saka napatingin sa baba ko tsaka ko lang na realize na naka underwear lang pala ako ngayon. Hinampas hampas ko sya ng unan at agad na sinara yung pinto dahil sa kahihiyan.
Nag tungo ako sa kama ko at nagsisisigaw sa sobrang inis. "Waaaaaaaaah! Manyaaaak kang kangaroo kaaaaa!" Peste talaga hanggang dito ba naman nang iinis sya. Nag bihis muna ako ng maayos tsaka muli syang nilabas.
Eheem, clear throat. "What are you doing here?" Kalmadong tanong ko, "hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tanong nya habang nakangiti ng nakakaloko. Magsasalita palang ulit sana ako ng bigla nyang inalis yung kamay ko sa pinto tyaka pumasok sa loob.
Hinila hila ko naman sya palabas pero malakas sya kaya ako yung nahila nya. Nakasandal ako ngayon sa matigas nyang dibdib. Ramdam ko yung tibok ng puso nya sa sobrang lapit naming dalawa. Tinulak ko naman sya tsaka umiwas ng tingin dahil sa kahihiyan.
Nagsalita naman sya sa mababang tono "hindi ka ba papasok ngayon?" Tumango lang ako saka umupo sa maliit na upuan sa gilid ng kama ko.
"Bat nandito ka pa?" Tinanong ko sya dahil naka uniform na sya. "Tinatamad ako pumasok eh kasi di ka papasok" sabay wink saken. Inirapan ko naman sya tsaka pilit na pinapaalis dahil maliligo na din ako. Dahil makulit sya hinayaan ko na lang sya na mag antay sa loob ng kwarto ko. "Dyan kalang huh maliligo lang ako!" Bilin ko sakanya at tumango naman sya sabay pumasok nako sa cr para maligo.
Lyndon's POV~
Nagtanong ako sa encoder ng apartment kung anong number nagroroom si margaret at agad ko naman itong pinuntahan. Nag doorbell ako pero mukang tulog pa sya. Maya maya binuksan nya yung pinto at nagulat naman ako dahil naka suot lang sya ng malaking tshirt at underwear kaya naman namula yung muka nya ng marealize nya yon.
Habang nandito ako sa loob at nasa cr naman sya nilibot ko tong kwarto nya. Simple lang at may nakita akong frames sa tabi ng kama nya kaya nilapitan ko. Yung isang picture ay family picture. Nag iisang anak lang pala sya at yung isang picture naman ay tatlong babae. Mga kaibigan nya siguro sa pampanga yon.
Natigilan ako nang bumukas yung pinto ng cr. tapos na sya agad hahaha ang bilis ah. Pumunta muna ako sa mini kitchen para naman makapagbihis sya.
Di naman nagtagal at lumabas na din kami sa apartment. Tahimik lang kaming nag lalakad papuntang school dahil walking distance lang naman yon at maaga pa kaya di na kami ng taxi.
Nagsalita ako para mabasag yung katahimikan. "Uy bat ang tahimik mo?" Tanong ko sakanya at di sya sumagot bagkos inirapan nya ako at binilisan yung lakad. Nauuna sya saken at hinabol ko naman yung lakad nya.
"Ano ba?!" Sigaw nya saken na ikinagulat ko. Kanina lang okay pa sya ah pero bigla syang nag bago. Tinanong ko naman sya kung anong problema, sinagot nya naman ako, "dumistansya ka ayokong ma issue kasama ka!" Sabay binilisan ang paglakad. Pinabayaan ko naman na sya at tsaka nag tungo sa mini stop.
YOU ARE READING
My enemy, My boss, My lover
RomanceIt is like common stories that we read but some incidents in this story is base on my own experince. It has bed scenes and I watch porn just to write this story for the first time. So hope you'll like it.